
Ako si MIKE LEE TORRES. Siguro ay narinig niyo na ang pangalan ko sa balita dati o ngayon. Isa ako’ng hitman. Kung gusto mo’ng pakinggan ang kwento ko *buntong hininga*, may rason kung bakit matagal ‘tong bidyo na ‘to.
Bago pa ‘man ako natutong magbasa, natuto na akong tumakbo. Sabi ni nanay na para ‘raw mabuhay ako, kailangan ko’ng matutong tumakbo; pagkatapos ko’ng kumupit ng dagdag sa baon ko, pagkatapos kong makita na bagsak ako sa exam, tatakbo ako. Para lang makatakas ako sa pagharap sa mga problema na, madalas, ako naman ang dahilan. *shrug* Hindi ko kailangan maghanap ng solusyon kung kailangan ko lang tumakbo nang mabilis papalayo. Hindi ko kailangan magtiis ng parusa kung pwede naman ako tumakas.
​
Sa araw na iyon, nakita ko siya sa kanto ng Starbucks. Mukhang alisto siya – natingin-tingin sa ibang tao, pati sa mga sasakyan. Kinuha niya ang cellphone niya sa bag at nagtext. Muntik niya na ako’ng makita habang nasa coffee shop siya, tumingin siya sa pinagtataguan ko’ng kwarto, buti nalang madilim, at nakatirik sa kaniya yung araw.
​
Binulungan niya yung pain ko na mag-isang nagkakape sa tabi ng pinto. “Ito para kay Pagong, gawin mo bukas at idadagdag ko sa card mo.” sabi niya. Pagkatapos sumulyap sakin yung lalake. *iinom uli* Nasa kontrol ko ang sitwasyon, maling galaw lang ng babaeng ‘to,
Nasa witness protection namin yung lalaki. Delikado kami sa babae pag may dala. Kaya nangati ako sa gatilyo nung dumukot siya *iinom*. Sampung segundo akong naghintay ng susunod na mangyayari, pero wala. Antagal nakadukot ng babae sa bag niya. Sinabi ko na sa HQ na magpadala ng stallers para sa night patrol routine ng Makati dahil mukhang matatagalan kami. Pero nagbago lahat nang biglang umiyak si LESLIE.
​
Narinig ko sa radyo naming lahat ng sinabi niya- hindi naman sa bago lang saking impormasyon, pero kakaiba sa pakiramdam nung narinig ko sa kaniya mismo. Spokespers- alaga ng mga malalaking kosmopolayt, “taga-ayos” ng mga transaction, desperado siyang mabuhay. Nakakapit lang siya sa loob ng bag niya.
​
At this point, sigurado na kami na baril ‘yon, depende nalang kung para kanino.
Nag-usap lang sila ni LESLIE. Boring para sa hitman, pero parang makabagong teleserye. Humahagulgol siya, nagtatanong kung saan siya mapupunta pag namatay siya; sa langit ba kasi sinubukan niya lahat para patagalin ang buhay na “biyaya” sa kaniya o sa impyerno kasi masama yung paraan niya. Pati na ‘rin ako nagtataka. Yung witness naming mukhang nakakalimot na sa mission pero biglang nilabas ni LESLIE yung baril at tinutok sa sarili niya.
​
Nakaasinta na ako, hindi para protektahan ang witness naming kung sakaling magbago ng isip to si LESLIE, pero para tuparin ang pinangako ko sa HQ.
Isang signal; nakalabas ang keychain na binigay ko sa lalaki; “execute”. Ayon. Nakatingin ako sa balakang ng babae. Bumagsak siya sa tiles pagputok ko. Walang ingay. Diretso linis lang. Tahimik lahat.
Sa dulo, hindi ko siya gusto bigyan ng pagkakataon na tapusin ang lahat sa desisyon niya. Ako at ako lang ang may kontrol sa sitwasyon namin, at ang pagkamatay ng babae- ni LESLIE SANTOS ay dahil sa pitik ko.
​