
Huh? Teka sino kayo? Ako?..ako si Jeremy Chua...
Sinong babae? Sinong babae ang tinutukoy niyo.
Wala akong maalala.
Ano!? Sinong babae ba tinutukoy niyo? Bakit ba pinagpipilitan niyo na may kasama akong babae .
Maraming babae dito sa bar...
Marami akong babae na nakasalamuha, nakainuman, at nakadru-du dancezing... hi..hindi ko alam, hindi ko maalala... Pero sino bang babae?
Teka.. ako kasama ng babaeng yan na nasa larawan?
Kagabi? aaaahh oo... iba pala itsura nya sa picture no
Teka, ano araw na ba ngayun?
Oo nakasama ko nga sya kagabi. Bakit ako nasa bar kasama niya? Syempre para magsaya, at for your information hindi kami magkakilala. Ang alam ko lang lagi ako nagpupunta dito sa bar na to..
Huh? ee ano kasi heartbroken ako, hiniwalayan ako ng jowa ko.
Eee dito ko lang nararanasan na makalimutan sya eee ano bang problema?
Sige ganto nalang magkwento ko nalang
One day, isang araw...
Wait lang naguumpisa pa ko ee patapusin mo muna ko sir...
One day, isang araw, nagdrayb ako papunta dito sa bar.
Edi ayun, pumasok ako... ako lang magisa wala akong kasama ha...
Nagparty ako syempre... nakipagsayawan, inuman,
Tapos dun ko palang nakita yang babae sa larawan...
Unang tingin ko palang natipuhan ko na eeh, edi nakipagbonding ako saknya para alam mo na... eehh edi nagsayaw, nag…ehem innuman...
Medyo tipsy na ren, sarap ba naman ng kwentuhan eeh.
Edi ayun na nga...
Saglit nalang sir patapusin mo ko... Lasing na yung babae, gumigiwang na nga ee hahahaha
Dun! doon na nya sinabi na samahan ko daw sya sa banyo
Oohhh ako naman, edi sinamahan ko lasing na eeh.
Nung nasa banyo na kami, dun na sya bumagsak di na niya kinaya ee hahahahaha ano meron?
Walaa, wala, wala akong ginawang masamaa pramiss mga sir.
Ano? Paano mamatay yun? Ee natumba lang naman sya aaah?
wala akong kinalaman jan sa mga pinagiisip niyo sakin sir ahh.
Walang kwenta tong usapan na to, kailangan ko na umalis...
tumama ang ulo? at nakapatong ako sakanya?
sirr hindi naman porket nakapatong ako sakanya, may ginawa na agad akong kasalanan.
Panigurado bumagsak na ren ako sa kalasingan at hindi sinasadya na mapatungan ko siya.
Ano? ee parang ako na sinisisi niyo sa pagkamatay niya ee!
Drugs? na overdose sa drugs?
PFFT Naku sirr wala na ko kinalaman talaga jan, hindi ho ako gumagamit ng drugs.
May pamilya ako sir, maawa kayo sakin!
Kailangan ko na umalis, naghihintay na mga anak at asawa ko ee.
Huh? wala akong sinabi nung una na jowa, asawa po sir meron ako...
Dali na sir kailangan ko na umalis baka gumising mga anak ko nang wala pang almusal sa harapan nila, magugutom yun...
Sir, baka mali pagkakaintindi niyo sakin kanina, nagaway lang kami nung asawa ko kaya napapunta ako dito.
wala akong kasalanan sir, baka iba nagbigay ng drugs sakanya
uuwi muna ako bago ako magpatest sa drugs kahit sumama pa kayo, di ako tatakas pramis.
I need a lawyer, tatawagan ko lang lawyer ko!
Nakainom lang po talaga ako, pero di ako nagdrudrugs sir!..