top of page
273897863_490756975989140_6991172734029102557_n.jpg

Pre ito lang ang restaurant na malapit sa may, 123 Street….. Alam mo naman na Kailangan ko talaga ng pera, si mama ay nasa kama ospital dahil sa covid, may 2 pa akong kapatid na naghihintay sa bahay. isang sanggol na kailangan ng gatas, ang papa ko naman ay kakamatay lang din nung nakaraan. Nawalan pa ako ng trabaho. Wala na akong makitang ibang paraan…Pre Ipagpasadiyos mo nalang ako

​

Basta pre, sigurado ka dito ah, mahirap na, baka magkahulihan…. O wait, saglit lang. O sige pre, andito na ako sa loob, Naghihintay na sa akin yung cashier. sige

​

Magandang Gabi…. Pa order nga ng …. ahm,,,,,ayun… Oo chicken, at tsaka yung katab non …..Oo Fries, at Rc, ay coke pala, tapos yung….nasa ilalim oo burger, yung large din…. Yun lang, Salamat.

​

Ay Miss miss, saglit lang Pabili na rin pa la nung ayun…. Yung nasa ilalim, yung mahaba… Ayun…. A- a- Oo apple pie pala.

Wala man lang katao-tao dito, di yata masarap pagkain niyo eh…

Magkano lahat? 350? Ang mahal naman niyan… pwede na pambili ng gatas ni Mario yan ah Kaya naman pala walang tao dito eh ang mahal ng presyo niyo eh.

Wait lang ah, Asan wallet ko , di ko makita wallet ko eh

Nasa bag ko ata yung wallet ko…

malas naman may baboy pa.

ay sorry, wala… may salot lang akong nakita… saglit lang, di ko talaga makita wallet ko eh.

Ito bayad….. 200 yan, wait magkano ulit?

Ay 350…. Pasensya na makakalimutin…

​

Holdap to, O wag mong pipindotin yan. Wag mong subukan gawin yan….

Kayo diyan sa likod wag niyong subukang gumalaw. Yuko, ay di kayo yuyuko, Sige subukan mong tumawag, papasabugin ko mukha nang kasama niyo.

Ilagay mo dito sa bag lahat ng pera diyan, bilisan mo…. Ikaw, Ilagay mo dito sa bag yang cellphone mo pati yung sa kasama mo. … bilisan mo, wag kang manginig, di kita sasaktan, sundin mo lang inuutos ko. Isama mo na yang relo pati kwintas mo.

Ang tagal mo naman diyan, kanina kapa ah, Bat ka nanginginig, di kita sasaktan sumunod ka lang. Ikaw tulungan mo siya, buksan mo pa yung ibang cash register at ilagay mo dito ang pera. Wag niyong subukang pindotin yang buton na yan, kung ayaw niyong lumabas utak ng kasama niyo.

Ikaw diyang nakayuko, wag mong subukan gumawa ng kung ano, kung ayaw mong paglamayan itong kasama mo. Anong bakit- bakit?

​

Bakit? Gusto mo malaman kung bat ko gingawa to. OO NA! MASAMA NA KUNG MASAMA. Wala na akong ibang makitang paraan, Hirap ako sa buhay. gawa pa nang pandemic hirap din ako makahanap ng trabaho. Wala namang nagagawa gobyerno natin. Kaya bilisan niyo diyan, Tama na ang tanong… Yan…. Pati yang…. Hikaw mo…. Ami na yang bag. Bilis, Anong maaawa maawa rin kayo sa amin… Kikita parin naman kayo dito ah. Ibigay mo na kung ayaw mo sumabog mukha mo… Ibibigay mo rin pala. Ang dami mo pang sabe.

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page