top of page
274459884_477984817152895_7384832737342113321_n.jpg

 Hoy, ikaw ha, sumusobra ka na!  Kun’di ka lang talaga matanda, pinatos na kita.  Oo, magbabayad ako ng upa ko. Wag kang  magmadali, di kita tatakbuhan!  Wala kang awa samin. Pandemya na  nga, ganyan ka pa. Isipin mo naman ang  kalagayan namin, nawalan na nga ako ng  trabaho sa kontraksyon e. Di ko na alam kung  saan ako kukuha ng makakain ko at perang  maipapadala ko sa mga magulang ko sa  probinsya na siyang umaasa din sakin. Pare-parehas lang tayong naapektuhan  nitong putagris na pandemyang itoWala ka bang puso? Wala ka bang  pamilya? Ha?Ay, oo nga pala, mag-isa ka na  nga lang pala sa buhay. Aww, kawawang  nilalang At tsaka, wag ka  ngang mangi-alam samin, buhay namin to.  Nagbabayad naman kami ha. Isang buwan lang  ang di namin nababayaran,, kung makaasta ka  parang walang-wala.

​

Pati ba naman mga kabarkada ko,  noong isang gabi sinumbong mo pa sa pulis.  Dahil ano? Dahil maingay? E ikaw nga, Araw  araw maingay. Halos mabibingi na ang mga  tainga namin. Tsaka yung perang ginamit namin  pang-inom noong isang gabi ay pera yun ng  tropa ko. Ba’t pa ako bibili ng alak , e wala na  nga akong maipangbayad sa inyo. Anong karapatan ?ha? Oo, ikaw ang may-ari ng apartment na to, pero binabayaran  ko to. Labas ka na dun. 

​

Pati ba naman aso ko, pinatos mo na  din. At isinumbong mo pa sa Baranggay  Tanod. Dahil sa nakaalpas, at baka tumae sa  teres nyo? HAHAHAHA matutuwa pa ako  kung tumae sa bahay nyo at mangamoy yang  tirahan mo. Hiyang-hiya ako sa mga pusa mo  ha. Napaka-ingay kada gabi, nagmana sa may 

ari. Ops, tahimik  mo yang bunganga mo, sasapakin talaga kita. At ano yung  nababalitaan ko na chinichismis mo daw ako.  Na nagdadala ako ng prosti?  

 

Wag mo nang itanggi, e ikaw lang  naman ang dakilang chismosa dito.  Magkakalat ka na nga lang ng chismis, mali mali pa.  anga, ate ko yun! Mukha lang yung  prosti kasi may tattoo. Judgemental ka kasi!

 

Sobra na, ‘di ko na  kaya ang pag-uugali ng matandang ito.  Panahon na para lumipat. O gumanti. Nasan na kaya yung matandang yun? Aling Choling! Aling  Choling!  Kung saan , saan ka nagpupunta. Akala  ko nasa kalsada ka na naman.  O, ayan. Lalayas na ako sa bulok mong  apartment. Hayana ang bayad ko ha, wag kang  mag-alala . Ikaw naman ang magbabayad  sakin.  Secret, hulaan mo.

 

Hoy!Tikoy, Pre, ikaw pala yan? Di kita  nakilala ah, di kita maaninagan kasi madilim.  Nag Brown-out e. Buti na lang nagbrown-out at di ka  nakita ng mga Tanod dyan sa labas. Alas otso  na oh(8:00pm) diba may curfew? Pati bakit  wala kang facemask? Lakas ng loob mo ahh.  Siraulo ka talaga HAHHAHA. Eto naghahanda, lalayas na ako pre sa  bulok na apartment na to. At baka makauwi na  sa probinsya sa susunod na linggo. Dipa naman  lockdown noh?

 

 Ay, salamat Sa pagtulong. Wag na,  Okay na ako, kaya ko na tong i-impaki. Di  naman masyadong marami e. Ah hindi ako makapunta sa  videokehan. Madami pa akong aasikasuhin  dito, pasensya ka na. Syanga pala, Nandun ba  yung ibang tropa?  Ah sige, tambay ka na lang muna dito.  Sabagay, di ka na makikita ni Aling Choling,  pihong tulog na yun.

​

Alak? Ayos yan para mawala na rin  yung sakit ng ulo ko. Badtrip e Ah wala yun, wag mong intindihin  yun.

 

  Pare, lasing na ka na atah? Halos  naglupagi ka na dyan sa lapag. Napatay mo  tuloy ang kandila.  Pwede bang makihiram ako ng Lighter  at sisindihan ko . Wala akong makita e. 

Ayan, okay na. Maliwanag na ulit  kasing liwanag ng buhay ko HAHAHAHAHA

​

Pre, madami na tayong nainom. Siguro  umuwi ka na muna baka hinahanap ka na rin  ng nanay mo. Lagi pa naman din yung galit  Hahaha. Gusto mo ba na ihatid na kita sa  kanto? Ahh sige wag na, mag-ingat ka sa daan  ha. Ayusin mo lakad mo, wag kang pagiwang giwang dyan. Madilim naman,  siguro di ka na makikita ng mga Tanod ngayon, pati alas onse medya (11:30Pm) mga  tulog na yun. 

Sige Salamat! Kita na lang tayo bukas

​

Pota, ansakit ng ulo ko! Maka-ihingi  nga muna. Ang dilim, tagal magkakuryente.  Walang silbi talaga yang Meralcong na yan,  Bwisit!!  Nasan na ba ang banyo? Ayy oo nga  pala nasa likod ng bahay ni Aling Choling. Ops, tamang-tama,  walang ng tao. Panahon na para gumanti sa matandang yun.Ano kaya mas maganda? Susunugin or  Sasaksakin? Aha, Sunugin ko na lang kaya  para may kunting hirap HAHAHHA Mabuti na lang naiwan ni Tikoy itong  lighter. Magagamit ko to.  Mas maganda  siguro kong isama ko na ring sunugin tong  bulok na apartment ko na to. Wala na din  naman akong mapapala dito.  Teka, nakawin ko na din kaya ang pera  ni aling choling para may pamasahe ako pauwi  ng probinsiya. Tulog mantika naman yun, di na  ako mapapansin nun. Gotcha! Nakuha din kita Swerte! Daming  lilibuhin! Ilalabas ko muna mga gamit ko Sakto,  andaming diyaryong nagkalat. Magagamit ko  to para mabilis na magliyab. Ahh, Bubuksan  ko na lang ang gasul at sisindihan ko. Wala na ba akong  nakalimutan? Hmm, sige sindihan ko na.   Isa! Dalawa! Tatlo… Enjoy Aling  choling, Sleep Forever Babush HAHAHA

​

Sa wakas, wala nang matandang  maingay Hahahahaha. Enjoy! Babyeee 

Pota, nakalimutan ko si Primo.  Sheeet! Sabi ko na parang may kulang e.  Takteng plano to! 

Primo! Primo! 

Ang laki na ng liyab ng apoy, di na ako  makakapasok nito. Primo! Primo, antayin mo  ko dyan   

Primo? Primoo!!

PRIMOOO!!  Huhu Sorry primo, pati ba naman ikaw  napadamay dito. Ikaw na nga lang kasama ko,  nawala ka pa.  

Ginawa ko ang lahat para maligtas ka,  primo gumising ka!! Siguro kung di  kita tinali, nakaalis ka at buhay ka ngayon  huhu. Siguro kong di ako naglasing, maiisip pa  kita. rimo,  sorry primo huhu. Diko sinasadya. Kagagawan  to ng matandang yun e. Magbabayad siya!!

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page