
Bakit ko pinatay? Bakit ko nagawa yung krimen? Tang*na. Napag-utusan… Ako? Gusto mo talagang malaman… bakit ko nagawa? Sino may pakana?! Gusto mo talagang malaman?! … Di mo man lang ba tatanungin kung bakit ako nandito? Bakit ako sumuko? Yun... Ba? Ayaw mong malaman?
​
Tang*na naman kase ng gobernador na yun! Takot matalo. Di daw pwede. Ayaw daw nyang matalo. Oh…diba sakim? Gagawin lahat para sa posisyon, kapangyarihan at pera. Inutasan? Hinde... Binayaran... Oo! Trabaho ko yun eh. Sino ba naman ako para tumanggi sa pera. PERA… Diba? Ilang years ko nang ginagawa toh. May ikakatakot pa ba ko? Ito na bumuhay sa sakin at sa pamilya ko. Madali pera dito eh.
​
Oo, di ako nakapag-aral. Kaya nahirapan din makahanap ng maayos na trabaho. At Oo, lumaki ako ng walang mga magulang. Kaya lumaki rin sa masasamang gawa. Halos, yata lahat ng kalokohan nagawa ko na. Pero proud akong di ako nagdodroga. Wala ng mahanap na trabaho eh… Nahimok lang din. Sa una? Siyempre natakot, pero may pera eh… Ang hirap nang tanggihan. Hindi ko naman gusto yun. Na-utusan lang. SUMUSUNOD… lang ako.
​
Diyos? Oo, naniniwala ako sa Diyos. May takot sa diyos? Ako? Oo naman, pero mas natatakot ako kapag wala ng makakain at titirhan kami ng pamilya ko. Mas natatakot ako kapag wala na akong pang sustento sa kanila. Natatakot akong hindi ko na kayang mapa-aral ang anak ko. Oo, nagagawa ko tong mga bagay na toh. Nabuhay ako sa masamang gawain na toh pero hindi ako naging masamang asawa’t ama. Oo, marami na akong nagawang hindi maganda pero kahit minsan dun hindi ako naging makasarili, ginagawa ko yun para sa pamilya ko. Iniisip ko sila. Kahit hindi nila alam, kahit sinekreto ko to. Hindi man ngayon pero sana maintindihan nila… at mapatawad nila ako balang-araw.
​
Kinausap ko si Joseph! Kinausap ko yung kaibigan ko bago ko tanggapin itong huling trabaho. Sabi ko… Ayaw ko na. Itigil na natin. Kung gusto mo ikaw nalang magtuloy. GUSTO… Gusto ko nang magbago, maghanap ng ibang trabaho. Yung hindi ganito…
​
At alam mo ba kung anong sabi niya sakin? Tinanong niya kung ako ba daw ba yung kaibigan niya. Tinawanan pa nga ko. Bakit ko daw siya pinapatawa. Tinanong pa ko kung nagsta-start na daw ba akong gumamit ng droga at kung anu-ano daw pinag-sasasabi ko na parang wala daw ako sa tamang katinuan. Sinabayan pa nya ng malakas na tawa.
​
Kinausap ko! Dahil napag-isip-isip ko lahat ng mga masasama at karumal dumal kong nagawa ng dahil sa pera… At gabi-gabi akong
biinabalik-balikan ng mga multo ng lahat ng taong kinitilan ko ng buhay. Nagsabi ako! Pero pina-isip niya lang ako sa sinabi niya, tinanong ako kung may magbabago daw sa ng mga nangyare na? Kapag tumigil daw ba ako mapapatawad ako ng lahat at mapupunta na ako sa langit. LANGIT… Sinabayan niya pa ng nakakainis niyang tawa.
​
Ayun!... Kaya ang ending wala rin akong nagawa, tinuloy ang naiutos na gawain kase ano nga ba naman ang mag-babago? Diba? Hindi porket nagbago ka mababago muna at maitatama mo na ang lahat. HINDI NA… magiging okay ang lahat. At ayun na nga! Nangyare na… ang nangyare!
​
Pagtapos gawin ang krimen, minalas malasang kaming abutan ng mga bodyguard ng kalabang gobernador. Hinabol kami habang nakamotor. Sinubukan naming tumakas at nakipagpalitan pa nga putok sa mga ito. BANG! (Tapos tatawa) Tapos sumemplang ang motor. Pinatakas ako ni Joseph habang nakikipagpalitan siya ng putok. At nang makatakas, nabalitaan ko nalang na hindi siya nakaligtas. Wala na… Patay na... Mas nauna pang tumakas saken. At eto ako sumusuko… Kase tulad nga ng sabi niya ano pa nga ba ang magbabago? Diba?! WALA NA!