
Boss! Nahuli ko na po siya. Yung pinapakidnap mo sa akin. Aba oo talaga! Sabi ko po sa inyo papatunayan ko kayo na pwede akong maging additional sa grupo niyo. Opo! Siya nga po yun pinapahuli niyo po sa akin na pulis. Hindi po ako nagkakamali Boss! Ito yung matanda alam na alam ko itsura nung pinakita niyo sa akin. Siya talaga ito! Teka teka tignan ko nga ulit.
​
Ayun oh hahahaha nakita ko na itsura niya tamang tama ako! Gusto niyo picturan ko pa sayo itsura. Hahahaha lakas naman tiwala niyo sa akin.
​
Sabi ko nga po sa inyo alam ko po mga ginagawa ko po. Pagtakas ko lang sa bahay ng erpats ko nakalusot nga ako eh. Mahigpit pa yun! Bahala, kaya kong mabuhay mag-isa! Pero syempre Boss kailangan ko din ng assist sa grupo niyo para mabuhay pa ako lalo hahahaha. Hindi ko na kakausapin yun Boss wala na ako eh. Wala na akong pwedeng pag usapan sa kanya. Hindi ako luluhod sa kanya bahala siya hahahaha. Ano po ulit yun boss? Paano ko nahuli yung pulis? Aba madali lang mahina na itong matandang ito eh. Tinuloy niya pa maging pulis parang gago. Babae lang ata pinapatrol ito eh hahahaha. Ito pa Boss umiiyak pa yan nung na kidnap ko tas nagpapatawad pa. Akalain mo, tagal mo naging pulis tas iiyak-iyak ka? Kalalaking tao. Walang bayag! Hahahaha
​
Ano po yun Boss? Nasaan ako ngayon? Aaaah…. kailangan po ba talaga na pumunta po kayo dito? Wag na boss! Kaya ko na ito! Malayo pa po biyahe niyo dito. Baka masayang pa gas niyo? Alam niyo naman tumataas na yung presyo ng gas ng Pinas baka…..
​
O-opo boss. Opo. Tapusin ko na po? Opo boss…. sige po boss….. salamat po! Sige po boss kayo na po bahala sa katawan. Sa may Recto po ako…..2525 Agata St. po. Si-sige po boss… Kita kits tay---
​
Pa….Pa! Pasensya na po!
Hindi ko po alam anong gagawin ko po.
​
​