top of page

Adaptation Process

Part A: Development of Performance Text 

Time

Walang sinabi ngunit ang  posibilidad na oras ay hapon  hanggang gabi dahil sa ganitong  oras kadalasan nagtatrabaho anfg  mga pahenante ng trak at nag  iinuman ang mga tao. 

“May tatlong lalaki na nag inuman…” 

“Isang pahenante ng trak sa ibaba  ng gusali ang nagkaisip umihi…”

Ang oras ng ginawa kong piece at  nasa hapon kinabukasan nung  matapos mangyari ang trahedya.  The following implying that it has  already happened: 

“Nakausap ko si cap kanina kaya  naisipan ko nang mag halungkat.” 

“Ang dami pala naming napag  usapan ni cap. May naging kaso  raw sa kabilang road na pinag  chichismisan ng kapitbahay…”  

“…Nagtanong-tanong na ako sa  kung anong nangyari.”

Place

Posibleng sa isang rural area ito  naganap dahil dito mayroong mga  taong nag iinuman, posibilidad na  makahanap ng garden soil na  inililipat at building na may  rooftop. Hindi posibleng maging  sa isang urban area kagaya ng  squatter dahil sa sikip nito. Unang rason nito ay hindi magkakasya  ang nasasabing trak, pangalawa ay  sa panlimang palapag sinasabi na natamaan yung lalaki ng bala ayon  sa konteksto ng storya. Hindi rin  aayon sa storya kung ito ay sa  isang lugar na mabuilding dahil kapag nagkaroon ng ligaw nab ala  at matataas ang building, maaring  property damage naman ang  mangyari, hindi tao ang  matatamaan.

Ginawa kong nasa isang village ngunit urbanized parin para  magkaroon ng matataas na building ngunit hindi pinupuno  

nito. Sa konteksto ay isang  building malapit sa kabilang road  na kanilang tinitirhan, posibleng  ito ay commercial building sa loob  ng isang road sa isang village o  subdivision. 

“May naging kaso raw sa kabilang  road na pinag chichismisan ng  kapitbahay…” 

“…nagtatanong sila tungkol sa  lalaking nahulog sa building…”

Character

Maraming mga karakter sa  storying ito na nagkaroon ng  paraan upang umusad ang storya,  ito ang Tatlong lalaking nag 

iinuman, lalaking naglalakad sa building, pahenante at ang  babaeng si Maria

Binigyan ko ng pokus ay isang  karakter lamang kung saan siya  ang nag kumpleto sa buong sunos sunod na pangyayari. Ito ang  babaeng asawa ng pumutok ng  baril at laman ng letter na hawak  nung namatay sa orihinal. Sa  orihinal. ang pangalan niya ay  Maria, at binago ko at ginawang  Meliah.

Plot Development  

Title

Beginning

Middle

Ang pamagat ng orihinal na storya  ay “Instraktura ng Katarungan”

Nagsimula ang storya sa pag  iinuman ng lalaki na sinundan ng  pagputok ng baril kung saan  natamaan ang lalaki sa ibabaw ng  ika-limang palapag ng ginagawang  building. Dahil dito, nahulog ang  lalaki at sa kaniyang pag bagsak ay  natusok ng palang naiwan ng  pahenante ng trak na kanina’y  naglilipat ng garden soil

Inimbestigahan ng mga pulis at  nalamang hindi ikamamatay ng  lalaki ang tama ng bala at paghulog  sa building ngunit namatay dahil  sa pagtusok ng pala

Ang aking ginawa ay  namamagatang “Istraktura ng  Katotohanan”

Ang storya ay nagsimula sa  pagmamadaling pag-iimpake ni  Meliah para umalis nang  maabutan siya ng kaniyang asawa.  Sa kanilang paghaharap ay  nagsinungaling siya at sinubukang  ibaling sa iba ang usapan ngunit  ang tanging nasa isip niya lang ay  ang nangyari insidente.

Napunta si Meliah sa punto ng  pagsuko kung saan inamin niya na  na may alam siya sa kaniyang  asawa at sinabi niya lahat.

End

Naging komplikado at open ended ang storya dahil mayroong  nakitan letter sa bulsa ng lalaking  namatay kung saan nasabi ang  pangalan ng asawa ng pumutok ng  baril.

Sinabi ni Meliah ang kutob na  hindi coincidence ang nangyari  kundi pinlano ng asawa niya at ang  open-endedness kung saan hindi  alam kung ano ang susunod na  mangyayari

Definition of Terms

Pahinante 

• Denotative Definition: pahinante. [noun] porter; driver; unskilled laborer.  Root: pahinante. 

• Contextual Definition: Pahinanteng umihi lang at nag-iwan ng palang  nakatayo. 

• Recontextualized Definition: Pahinanteng umihi lang at nag-iwan ng  palang nakatayo. Ang pangyayari ay hinihinalaang sadya. 

Inuman: 

• Denotative Definition: [noun] drinking session 

• Contextual Definition: Ang inuman kung saan nagsimula ang trahedya • Recontextualized Definition: Ang inuman kung saan hiniihinalaang  nagsimula ang trahedya

Character Sketch

274485252_1887345418133423_534086397328419125_n.png

Ako si Meliah, buong pangalan ko’y Meliah Andres. Kasal ako ngayon sa asawa kong si  Jackson Andres. 25 years old na ako’t tatlong taon nang nakalimpas mula nang ikasal kami ng  kinakasama ko. Kahit na maputi ako, puro akong Pilipino, maputi lang talaga nanay ko, o baka  tatay ko. Hindi ako sigurado kasi pina ampon lang ako mula nung pinanganak ako sa Nueva Ecija.  Dahil sa kulay ko, kinulong lang ako ng mga nag aalaga sakin at sa loob lang ng bahay at doon  kumikilos. Sayang raw kasi ang balat ko.  

Sa Pilipinas ako pinanganak. Sa probinsya ako dati nakatira nung kabataan ko. Lumipat lang  ako ng maynila mula nang nasa sapat na akong gulang at kaya nang magtrabaho para sa sarili.  Mula nung lumipat ako ng maynila nagrerenta ako, kahit hanggang ngayon na ilang taon na ako  dito. Mahal kasi ang renta at hindi naman malaki kinikita ko. Dahil doon naka electric fan lang  ako palagi at naglalakad minsan pauwi, para makatipid. Dahil sa maynila ako nakatira, madalas  mahaba sinosuot ko kahit mainit. Marami kasing mga lalaki sa paligid kaya sobrang nakaka-ilang.  Hindi kagaya sa probinsya na wala naman gaanong lalaki kundi mga tricycle driver. Mula nang  magsama kami ni Jackson, pakiramdam ko mayroon nang magpo protekta sakin, kasi yun yung  lagi niyang sinasabi. Palagi nalang akong papagalitan kapag may nakikitang kakaonting balat.  Nagrerenta parin kami pero naghahati na kami sa bayarin tutal nakatira na ako sa bahay na  tinitirhan niya. Naranasan ko na ring mag aircon minsan. Akala ko sa mall ko lang yun  mararanasan, dahil kay Jackson napadali buhay ko. Mas magiging protektado rin daw ako doon.  Nag iba na rin ako ng trabaho mula nang magsama kami. Nalaman kong pwede pala akong mag  encode encode sa mga kumpanya at may kikitain na rin ako. Sabi ng asawa ko mas mabuti daw  yun para nasa loob lang ako ng bahay. Nanonood nalang ako ng palabas minsan para makapag  palipas oras. Minsan may nakakausap ako sa labas pero bihira lang. Kinaibigan ko si ate Chiki na  nagbebenta sa labas ng street namin para may makausap ako kapag nabuburyo na ako sa bahay at  tapos na lahat ng Gawain. Laking benepisyo rin sakin yun kasi nakaka utang ako minsan kapag  kinakapos ako kakabili ng damit na hilig ko. Dumadami yung damit na binibili ko palagi at  nagtatambak na sa damitan ko kaya madalas dino donate ko yung mga pinagsawaan ko na sa  barangay. Nakakausap ko minsan yung mga kapitan pero hindi ko masyadong tinatagalan kasi  nahihiya ako. Ayokong makilala sa barangay naming na susyalen, adik lang siguro ako sa damit. 

Palagi naming nakakakwentuhan ni Jackson yung mga kapitbahay, dahil doon nawawalan na rin  talaga ako ng ganang makisama sakanila. Mas mabuti nalang siguro talagang nasa loob lang ako  at asawa ko lang ang kasama ko.  

Ilang taon na kami ni Jackson na magkasama at nagsasawa na siguro siya sa itsura’t asal ko.  Napansin kong napipikon siya madalas sakin at dumating sa punto na nag-away kami dahil sa  napaka-liit na bagay. Nagawa niyang saktan ako pero pagkatapos sinabi niya namang hindi niya  sinasadya. Hindi na naman niya inulit pagkatapos. Siguro dahil nakikita niya yung markang  naiwan niya. Naggrocery ako isang araw at nang pauwi ako, magkukumpol kumpol yung mga tao  sa labas at nag uusap usap. Minsan lang ako lumabas kaya napraning ako ng sobra. Narinig kong  may namatay daw sa kabilang road kaya nakinig ako sakanila. Nang marinig ko umuwi kagad ako  sa bahay at may chineck. Pagkatapos nakibalita na ako ng ibang detalye sa labas. Sinabi sa akin ni  ate Chiki yung nangyari sa kabilang road na may kinalaman pala asawa ko. Nang malaman ko  yung totoo kinabahan ako, mamaya makulong siya ng pulis dahil siya yung nagpa putok. Umuwi  akong halos nanginginig ang mga hita sa kaba ng kung ano kayang mangyayari. Habang inaayos  ko yung nakalat kong grocery sa pagmamadali kanina, Tumawag yung pulis sa telepono ko at  pagkatapos ng usapan hindi ako nagdudang tumakbo sa damitan at mag empake ng damit para  umalis, tumakas.

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page