top of page

Adaptation Process

Part A: Development of Performance Text 

Time

Place

Character

Nangyare ang monologo sa oras na ala-una hanggang alas-dos ng umaga.

Nangyare ang monologo  sa Barangay Office.

Ang nagsasalita ay isang Bisaya, lalaking lasing, at drayber ng Taxi.

Nangyare ang paginterview kay Jeremy sa oras na 3-4 ng umaga.

Nangyare ang monologo  ni Jeremy sa kanto sa loob ng bar.

Si Jeremy ay isang Filipino part Chinese,  alcoholic, at drug addict.

Plot Development  

Title

Ang pamagat ng  

monologo ay  

“Whitelady.”

Ang pamagat ng aking  ginawa ay “Sir.”

Beginning

Nagsimula sa pagdrayb  at pagpikap sa isang  

babae.

Gigisingin si Jeremy ng  mga pulis para tanungin  kung anong nangyare sa  babae at sakanya.

Middle

May sinabi ang babaeng  pasahero sa lalaki na siyang nagbigay init sa  katawan nito. Kaya pumasok ang lalaki sa  pasindyer sit at  

pumatong sa babae.

Sasabihan ni babae kay  Jeremy na Samahan/alalayan siya  papuntang banyo. 

Sinamahan niya ito, ngunit  bumagsak ang babae at  tumama ang ulo sa toilet.  Kinalaunan natumba na  ren sa kalasingan naman si  Jeremy at nadaganan ang  babae.

End

Itinanggi ng lalaki na  siya ay lasing siya ay  nakainom lamang.

Itinatanggi ni Jeremy na  siya ay nagdrudruga at  siya ay nalasing lamang.

Definition of Terms

• Alasdoseng gabi 

Denotative Definition – 12 ng umaga. 

Contextual Definition – madaling araw o 12 ng gabi. 

Recontextual Definition – 3 hanggang 4 ng umaga. 

• Balete Drayb 

Denotative Definition – isang kalsada na matatagpuan sa España Extension  hanggang Aurora Boulevard sa Quezon City. 

Contextual Definition – isang hunted na kalsada sa Quezon City. Recontextual Definition – isang bar na tago sa Quezon City. 

• Barangay tanod 

Denotative Definition – isang tagapagpasunod sa isang barangay. Contextual Definition – mga taga barangay na humuli sa lalaking lasing. Recontextual Definition – mga pulis na nakahuli kay Jeremy Chua.

• Kantotino 

Denotative Definition – isang pangalan ng kanto. 

Contextual Definition – akala ng lalaki na gusto ng babae na makipagkantutan o  sex. 

Recontextual Definition – ang pagyaya ng babae na samahan siya sa banyo. 

• Nageksplika 

Denotative Definition - nagpaliwanag o magpaliwanag. 

Contextual Definition – nagpaliwanag sa mga barangay tanod. 

Recontextual Definition – nagkwento si Jeremy sa mga pulis. 

• Napikap 

Denotative Definition – makuha, naiasakay, o nakuha. 

Contextual Definition – nakuha niya yung pasaherong babae sa Balete drive. Recontextual Definition – Nakita ni Jeremy yung babae sa bar. 

• Pasindyer sit 

Denotative Definition – upuan sa likod ng drayber sit. 

Contextual Definition – nakaupo sa likod ng upuan ng drayber ang babaeng  pasahero. 

Recontextual Definition – nilapitan ni Jeremy ang babae sa may bar.

Character Sketch

273841351_1190244404845447_5726215720836287340_n.png

Biological Traits  

• Ako ay nasa edad 30 taong gulang. 

• Ako ay nasa 5’6” ang taas, maitim na buhok, maitin na mga mata, payat, tapered eyelid,  at moreno. 

• Namana ko ang kapayatan at tapered eyelid sa aking tatay, at namana ko naman sa nanay  ko ang wavy hair. 

Physical Traits 

• Ang buhok ko ay nakaundercut at natatakpan ng buhok ang noo. 

• Ako ay lagging nakacasual na suot. 

• Lagi kong suot ang aking hikaw, singsing, at kwintas. 

• Ako ay mukhang bata kumpara sa aking edad. 

Behavioral Traits 

• Dati, bago ako hiwalayan ng aking kasintahan maganda at maayos ang buhay at  pakikitungo ko sa lahat. Pero simula nang hiwalayan niya ako, nagiging aggresibo ako  minsan, emosyonal, at mabilis mairita. 

• Mahilig ako sumayaw at makipagparty sa bar. 

• Mas pinipili kong magisa at mapagisa. 

• Naging sinungaling ako simula nang maging adik sa drugs. 

Motivational Traits 

• Pagkatapos akong hiwalayan ng kasintahan ko, kinailangan kong magmove on at  kalimutan siya sa pamamagitan ng pagtratrabaho sa Negosyo ko, pagdrudrugs, at  pagiinum. 

• Gusto kong maging masaya at makahanap ng ibang mamahalin kaya nakipagkilala ako  sa babaeng Nakita ko sa bar. 

• Goal ko ang mapalaki ang negosyo ko kaya nung nagging adik ako, hindi ako tumigil sa  pagtatrabaho.  

Deliberative Traits  

• Paggusto ko ginagawan ko ng paraan. 

• Red, kulay ng suot ko na nagrerepresenta sag alit at pagmamahal ko sa dati kong  kasintahan. 

• Umaarte ako kapag nasa isang hindi inaasahang sitwasyon, para macontrol at masunod  ang gusto ko. 

Decisive Traits  

• Sa kagustuhan kong makalimot at magmove-on, nasisira ko na palang buhay ko at buhay  ng ibang tao sa paligid ko. 

• Dahil sa drugs na binigay ko sa babaeng natipuhan ko sa bar kaya siya namatay. 

Jeffrey B. Tan 

• Masyado akong selfish at self-centered kaya napapahamak ako at ang pamilya ko. 

Ako si Jeremy Chua, ako ay nasa edad na 30 taon. Ipinanganak ako sa Quezon City at  ako ay isang Filipino. Ang Nanay ko ay Filipino at ang tatay ko ay isang Filipino half  Chinese, kaya ako ay may halong Chinese blood. May kaya ang pamilya ko noong  ipinanganak ako, kaya lahat ng aking gusto ay nakukuha ko. Pangatlo ako sa tatlong  magkakapatid, ang panganay ay lalaki at babae naman ang pangalawa. Para sa akin,  kung gusto kita dapat mapunta ka sakin. Lahat ng bagay ay kaya kong makuha  pagginusto ko. Mahilig ako makipagparty ng magisa dahil wala akong mga tunay na  kaibigang mapagkakatiwalaan. Nakapagtapos ako sa Far Eastern University sa  kursong Bachelor of Science in Accountancy. Nagumpisang gumawa ng negosyo  pagkatapos grumaduate, ngunit lahat ng mga nagging Negosyo ko ay pumalpak. Sa  edad na 28, nagging successful sa negosyong Milktea. Alcoholic na ako noon pa man  simula noong nasa kolehiyo ako. Totoong hiniwalayan ako ng jowa ko noong nasa  edad 29 ako, at doon ako sobrang nasaktan ng husto. Doon ko na nalaman kung  paano gumamit ng illegal na drugs, para sa akin sinalba ako ng drugs sa  pagkakalungkot. Hinahanap hanap ko to, gabi-gabi. Kadalasan, pumupunta ako sa bar para kitain ang mga nagbebenta ng magagandang klase ng drugs, sabay inum ng alak,  at nagpapakasaya hanggat kaya. Hindi alam ng pamilya ko ang ginagawa ko, kaya  ang lagi kong palusot ay nagkakainuman lagi at partihan ng mga kaibigan sa tuwing  pupunta ako ng bar. Mahilig ako sa casual attire kahit san magpunta. Sa bar kung  saan ako nahuli ng mga pulis, may glitters ako sa mukha dahil sa mga taong naglagay  nun sakin habang nakikipagpartihan.

Nakatira ako sa bahay ng mga magulang ko. May kalakihan ang bahay namin sa  Manila, may tatlong palapag. May kapit bahay kami pero hindi kami mga naguusap,  hindi kami close sa kanila, mas pinipili naming maging private, at hindi makialam sa  buhay nila. May apartment den kami sa Quezon City, pero nakatira doon ang dalawa  kong kapatid. Marami naman na bar sa Manila, pero mas pinipili kong magdrayb at  pumunta pa sa Quezon city para puntahan ang isa sa mga pinaka paborito kong  puntahan na bar. Sa Quezon City ko ren kasi natutunan at naumpisahan ang paggamit  ng drugs, doon ren ang laging kitaan naming ng mga nagbebenta ng drugs. Kapag  nalalasing na ako hindi na ako umuuwi sa apartment o kaya sa Manila, nagi-stay ako  sa isang Airbnb malapit doon. Masaya ako sa bar na ito dahil nakapagiisa ako dahil  malayo sa mga taong nakakakilala sa akin sa Manila. Maliit lang yung bar at nasa  tuktok ng isang building na may 4 na palapag. Hindi gaya nang iba na sobrang laki at sobrang daming tao. Tago kasi ang bar na ito kaya unti lang ang nakaaalam, mahal  den kaya unting tao lang ang nakakaafford. Sa bar na iyon ren ako nahuli ng mga  pulis, sa may kanto sa loob ng bar kung saan pinaupo at nilagyan ako ng Ice pad sa  ulo dahil sa pagkakatama ng ulo ko sa banyo. Nakasandal ako sa kanto, sa harapan ko  naman ay ang lamesa sa bar. Maputi ang pader ng bar, at may mga party foil curtains  sa paligid. Maliwanag ang loob ng bar dahil dumating ang mga pulis. Maagang  nagsialisan ang mga tao pagkatapos malaman na may namatay sa bar at may  dumating na pulis at ambulansya. Walang aircon na nakabukas sa bar noong oras na  iyon ngunit may electric fan na nakabukas sa di kalayuan ko, nagising nalang ako sa  paggising sa akin ng mga pulis. Magaalas kwatro na ng umaga, kaya medyo malamig  lamig ang paligid pero kahit na may kalamigan, pinagpawisan, nanginginig, naginit,  at kinakabahan ako dahil kaharap ko ang mga pulis na kinekwestyon ang pagkamatay  ng isang babaeng nakasama ko sa bar na yun.

Hindi ako nakakapagbar lagi, nakakapagbar lang ako mga isa hanggang dalawang  besses sa isang buwan, kaya pag nagbar ako, party kung party. Bago ako mahuli ng  pulis sa bar sa Quezon City noong January 10, 2019, nasa negosyo ko ako,  nagtratrabaho ako simula umaga at pumunta ako sa apartment namin sa Quezon para  bisitahin ang dalawa kong kapatid. Naginuman muna kami ng kaunting alak na  magkakapatid, nangangamusta sila sakin at dinadamayan pa ren dahil hirap pa ren ako sa pagmove on sa huli kong nagging kasintahan. Kinamusta ko ren naman sila, at  pagkatapos, nagpaalam na ako sa kanila mga 10 ng gabi. Nagdrayb ako papuntang  bar, doon, hinanap ko yung mga drug dealer na may magagandang klase ng illegal  drugs. Pinagpatuloy ko ang pagiinum ng alak hanggang sa makita ko ang babaeng  natipuhan ko noong gabing iyon. Nilapitan ko siya at inaya na makipagsayawan,  pumayag naman siya at kami ay nagkasiyahan at inuman. Magaalas dose na noong  patago ko siyang binibigyan ng drugs sa kanyang inumin, hindi ko pa ito nagawa  noon pero dahil ngayon lang uli ako nagkagusto sa isang babae ninais ko siyang  mapasakin. Hindi ko naman aakalaing maooverdose sya sa mga drugs na binigay ko  sakanya, kaya noong nagpasama siya sakin sa banyo at natumba siya hindi ko inakala  nay un na ang huling mga oras ng buhay niya. Hindi ko alam na tumama pala ng  husto ang kanyang ulo sa toilet kaya tinawanan ko lang siya. Sa mga oras na iyon  wala na akong matandaan, ang sabi nila nakapatong ako sa katawan niya at may tama  ren sa ulo. Paggising ko, nasa harapan ko na ang mga pulis at may ice pad na sa aking  ulo. Sa una nagulat at naguguluhan ako dahil hindi ko alam ang nangyayare. May  kaba ako, ngunit umaasta akong wala sa bisyo at matapang na kinakausap sila. Hindi  ko alam ang ginagawa at sinasabi ko pero sumasabay nalang ako. Noong una  kinakaya ko pang itago ang kaba at takot ko, ngunit ng malaman ko na namatay ang  kaama kong babae at isa sa dahilan ng kanyang pagkamatay ay overdose sa drugs,  doon na lumabas ang pagkabalisa, takot, kaba, at iba pang emosyon. Naging trigger  ang salitang drugs at overdose sa akin kaya tila nawala ako sa sarili. Ang tanging  hawak ko noong kinakausap na ako ng pulis ay ang ice pad sa ulo ko. Sa una hindi ko  to mabitawan dahil dito ko nalilipat ang kaba ko sa paghawak nito ngunit nang  masabi na ang drugs, doon na ako nawala sa control. Sa una akala ko malalagpasan  ko ang mga pulis at kasalanan ko dahil nakukuha at nasusunod ang gusto ko, pero sa  oras na iyon, hindi umayon ang aking kagustuhan.

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page