Adaptation Process
Part A: Development of Performance Text
Time
Gabi at Dapithapon
• Ginabi siya sa pag bakwet, upang
lumipat
2020, Takipsilim ng Mayo • Panahon kung kailan pumutok o
lumaganap ang sakit
na Covid-19.
Nagsisimula na ang
Pandemya
Place
Sa Videokehan sa labas, malapit sa kaniyang unit na katabi lamang sa unit ng mismong matanda na may
ari ng buong apartment
Sa tabi ng isang sirang pinto ng apartment ni Bugoy, na pamamay-ari ni Aling Choling, Manila. Magkatabi lamang ang apartment ni Bugoy, at ni Aling Choling.
Character
Siya ay lalaki na nakipag inuman sa kabarkada at napagkamalan na nanagshoshort-time ng prosti. Napuno ng galit at humantong sa paghihiganti
21 anyos na binata, Filipino, kayumangi, katamtamang tangkad, nakasuot ng brown na jacket at nakasandong puti, nakatokong na short at pamurmang tsinelas. May nakasabit na usong-uso na pekeng diyamanteng hikaw sa tainga, at kwintas sa leeg. May pamada sa buhok. Ayos na ayos ang itsura kahit wala namang pupuntahan.
Plot Development
Title
Beginning
Middle
End
Kapit-Apartment
Nagsimula ang kwento sa isang lalaki na nagngitngit at nasuklam sa matanda na nasa katabing unit niya, sa kadahilanan na nagsumbong sa Pulis dahil sa ginabi ang paginom ng kabarkada niya,, tumawag ng Baranggay Tanod dahil nakawala ang alagang aso, at nagkalat ng tsismis na nagsho-short time ng prosti.
Sa kalagitnaan ng kwento ay naisipan ng lalaki na lumipat na lang o gumanti sa matanda. Ginabi siya ng pag-bakwet. Nagpalipas-oras siya sa videokehan sa labas at Naglasing. At hangang sa lumipas ang oras ay brown-
out pa rin. Nagkaroon ng pagkakataon ang lalaki upang gawin ang paghihiganti, umakyat siya sa bakod sa likuran. Lumagpak sa munting patio ng inakalang unit ng may-ari. Ibinato sa awang ng bintana ang sinindihang trapo.
Sa katapusan ay nagliyab ang loob ng unit at siya’y, tumalon sa kabilang patio, na akala niya ay sarili niyang unit. Tsaka niya narinig ang tahol ni Pitbull sa loob ng nasusunog na unit.
Kapit-Apartment 2
Nagsimula ang kwento sa paninigarilyo ni bugoy habang nakatingin sa mga tao sa labas na nagudyok sa kanya upang
alalahanin ang pamilyang naiwan niya sa probinsya.
Nabulahaw si Bugoy sa pagngangata ni Aling Choling sa mga nangungupahan na hindi pa nakakapagbayad ng upa. Nagresulta ito ng
pagkainis at pagkapuno ng galit ni Bugoy sa matanda. Nilapitan niya ito at pinagsabihan. Dagdag rito ay naalala ang mga nagawang
pagpapakialam sa kanya, gaya ng pagsumbong sa Pulis dahil sa kaingayan ng kabarkada niya, pagtawag ng Baranggay Tanod dahil sa pagka-alpas ni Primo, pagchichismis na nagdadala ng prosti.
Padabog na paalis si Aling Choling dala ang inis at galit kay Bugoy
Pagtawag ni Bugoy kay Aling Choling upang siya ay magbayad ng upa, at pagsabi ng katagang “ikaw naman ang magbabayad sakin” na may ibang kahulugan.
Sa kalagitnaan ng kwento ay ipinakita ang pagsindi ng kandila dahil sa nagbrown- out, habang nag-aayos at nag- iimpaki si Bugoy ng kaniyang gamit upang lumipat. Pinlano nito ang kaniyang paghihiganti sa matanda na si Aling Choling.
Nakita niya ang kabarkada niyang si Tikoy na niyaya siya na pumunta sa videokehan sa labas kung saan naroroon ang kanilang iba pang kabarkada. Gayunpaman, hindi nakapunta si Bugoy dahil sa madami pa itong aasikasuhin, kaya naisipan ni Tikoy na sa unit na lang ni Bugoy mag- stay at mag-inom. Lumipas
ang oras, pinauwi na ni Bugoy si Tikoy sa kadahilanan na ito ay lasing na. Sumakit ang ulo ni Bugoy dahil sa pagkalasing at pagkahilo
Naisip niya ang planong paghihiganti. Nagkaroon ng pagkakataon dahil sa madilim at walang tao.Inilabas niya ang mga gamit niya.
Sinindihan niya ang gasul at nasunog ang buong unit. Habang nagagalak, tumatakbo palayo, ay naisip niya ang alaga niyang asong si Primo na naiwan sa nasusunog na apartment.
Sa katapusan ng kwento, nalugmok at umiyak si Bugoy dahil hindi niya na makuhang makapasok sa nasusunog na apartment upang balikan si Primo kahit ginawa na niya ang lahat ng kaniyang makakaua. Inantay ni bugoy na humupa ang apoy, hinanap si Primo at natagpuan itong patay. Umiyak sag alit at nagsisi si Bugoy sa lahat ng nagawa niya, gayunpaman mayroong paghihiganti pa rin sa kaniyang puso.
Definition of Terms
Nagngingitngit
-
Denotative definition: nangangalit
-
Contextualize definition: Nakagagalit
-
Recontextualize definition: Nagagalit
Nasusuklam
-
Denotative definition: naririmarim, naiinis
-
Contextualize definition: pagkainis
-
Recontextualize definition: Nakakaburyo, nakakarindi, naiinis
Apartment
-
Denotative definition: 1: pangkat ng mga silid, karaniwang mayroon nang mga kasangkapan at pinauu-pahan, 2: nag-iisang silid sa bahay.
-
Contextualize definition: Pinapaupahang bahay
-
Recontextualize definition: Pinapaupahang bahay
Prosti
-
Denotative definition: 1: pagkíta ng ikabubúhay sa pama-magitan ng pakikipagtalik : PROSTITU-TION, 2: walang kabuluhang paggamit sa talento o abilidad : PROSTITUTION , 3: patutot, puta, titatita
-
Contextualize definition: Bayaran; Nakikipagtalik kapalit ang pera
-
Recontextualize definition: Bayarang babae na nakikipagtalik kapalit ay pera; pokpok
Pag-bakwet
-
Denotative definition: 1: tao o mga tao na umalis ng tirahan upang tumakas sa kapahamakan, bakwit, ALSA-BALUTAN, LIKAS, 2: pag·bak·wét kilos o paraan ng pag-alis sa tirahan upang tumakas sa kapahamakan : EVACUATION
-
Contextualize definition: Paglipat, Pag-alis
-
Recontextualize definition: Paglipat; Iniimpaki ang gamit patungo sa ibang lugar
Brown-out
-
Denotative definition: 1: malawakang pagputol o pagkaputol sa daloy ng koryente, karaniwan sa isang pamayanan Cf BLACKOUT
-
Contextualize definition: Pagkawala ng kuryente; walang liwanag
-
Recontextualize definition: Pagkawala ng kuryente; pagkamatay ng ilaw
Patio
-
Denotative definition: 1: harapan ng simbahan na nababakuran, 2: malawak na pook ng pinagtitipunan ng mga tao ; Patyo; Courtyard
-
Contextualize definition: Looban
-
Recontextualize definition: Looban; bakuran na may sementong harang
Trapo
-
Denotative definition: 1: basahan, 2:telang ginagamit na pampakintab sa sapatos,
3: pinaikling tradisyonal na politico, lumang uri ng politiko, karaniwang ipinalalagay na korap.
-
Contextualize definition: Basahan, Piraso ng tela na panlinis ng maruruming bagay
Nagliyab
-
Denotative definition: 1: bigla at matinding paglaki ng apoy; LAGABLAB, SIKLAB
-
Contextualize definition: Nagliyab
-
Recontextualize definition: Lumaki ang Apoy, lumagablab; Sumiklab
Takipsilim
-
Denotative definition: 1: dápithápon , 2: larong hulaán, pinipiringan ang matá ng taya, paiikutin nang tatlong beses at kailangang may mahúli siyang kalarong huhulaan ang pangalan.
-
Contextualize definition: Oras sa pagitan ng tanghali at gabi
-
Recontextualize definition: Pagdilim, paglubog ng araw
Pandemya
-
Denotative definition: 1: isang epidemya ng nakakahawang sakit na kumakalat sa pamamagitan ng mga populasyon sa isang malawak na rehiyon — halimbawa, isang lupalop o pandaigdigan ; Pan (lahat) + Demos (tao)
-
Recontextualize definition: Panahon kung saan may nakakahawang sakit, Covid 19 virus
Curfew
-
Denotative definition: pagbabawal na lumabas ng bahay o tirahan sa isang takdang oras ng gabi : KÁRPIYÓ 2: takdang oras para sa pagbabawal : KÁRPIYÓ
-
Recontextualize definition: Panghuhuli ng mga tanod sa takdang oras kadalasan ay gabi
Lighter
-
Denotative definition: 1: Padarag; layter
-
Contextualize definition: Isang bagay na nagbibigay ng apoy kapag sinisiklat
-
Recontextualize definition: Pangsindi/Panindi; Pansiklat
Tulog-mantika
-
Denotative definition: 1: mahimbing na pagtulog; 2: mahabang oras ng pagtulog
-
Recontextualize definition: Malalim ang pagkakatulog, mahimbing ang pagkakatulog
Character Sketch

Ako si Bugoy, ang totoo kong ngalan ay “Albert Dela Torre”, 21 anyos na binata, Filipino, tubong Mindoreño, kayumangi ang kulay ng balat ko, katamtamang-tangkad, nakasuot ng brown na jacket at nakasandong puti, nakatokong na short at pamurmang tsinelas. May nakasabit na usong-uso na pekeng diyamanteng hikaw sa kaliwang tainga, at kwintas sa leeg. May pamada sa buhok. Ayos na ayos ang itsura kahit wala namang pupuntahan. Ako ay isang trabahador sa konstruksyon. Nandito ako nakaupo sa tabi ng sirang pinto ng isang maliit na apartment kung saan makikita mo ang mga nakakalat na titis ng sigarilyo at mga bote ng alak, at katabi lamang ang nakataling asong si Primo sa paa ng kapiraso at dapok na papag. Ramdam ko ang tiktik na init ng araw galing sa bubungan, sa kadahilanan na walang kisame at wala akong bentilador na gamit sa ngayong panahong tag-init, Mayo. Magkatabi lamang ang apartment ko sa may-ari nito na si Aling Choling, Manila. Kung saan, maririnig mo ang iba’t-ibang ingay, minsan dulot ng katuwaan o kasiyahan, kaguluhan o kapahamakan, natatahimik lamang kapag paa na’y pantay.
Ako si Bugoy, isang mapagmahal at masipag na anak. Kilala ako bilang isang matinong binata, wala ako ni isang bisyo, di ako nag-iinom at naninigarilyo dahil alam ko na makakasama lamang ito sa aking kalusugan. Gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya ko. Pangalawa ako sa magkakapatid at ang ate ko ay nakapag-asawa na ng isang lalaking tatto artist na taga-Cavite. Ang ama ko ay 54 years old na, dahilan kung bakit hindi na ito makapangisda. Habang ang ina ko naman ay naglalabada. Dahil sa kahirapan ay napilitan akong huminto sa pag-aaral at nakipagsapalaran na sumama sa mga kabarkada ko paluwas ng Manila upang doon ay makapaghanap ng trabaho. Sa ganun, may pangtustos kami para sa pangangailangan sa araw-araw at masusuportahan ko ang aking mga kapatid na nag-aaral sa elementarya. Noong 2018, galing sa probinsya ng Mindoro ay lumuwas na ako pa-maynila, na ang bitbit kong pera para sa pamasahe ay hiram ko lang sa aking mga kabarkada na pinag-ambagan nila. Pag dating ko ng Maynila, sa Bus Terminal na aking binabaan, malapit sa isang pagupitan na ang pangalan ay “Primo Barbershop” ay may nakita akong isang tuta at kinuha ko ito dahil sa ako’y naawa. Dahil mabuti ang aking puso ay nagdesisyon ako na kupkupin ko na lang at iuwi sa titirhan kong apartment. Primo ang pinangalan ko dito, sunod sa ngalan ng Barbershop kung saan ko ito napulot. Sa paghahanap ko ng trabaho ay hindi agad ako natangap sapagkat di ako nakapagtapos ng pag-aaral, kahit Grade 12 man lang. Ubos na ang pera ko noong panahon na yun, walang-wala na talaga. Dahil sa kagustuhan kong kumita ay nakipagsapalaran na lang ako magtrabaho sa konstruksyon, alok ng aking mga kabarkada kasama sila.
Maliit man ang kita ay napagkakasya ko ang at napapadalhan ko pa ng pera ang pamilya ko sa probinsya. Nagtipid ako, nagdoble kayod, rumaraket ako bilang carwash boy kapag walang pasok sa kontruksyon, pati pagbebenta ng balot kada gabi ay pinatos ko na rin.
Lumipas ang 2 taon at malaki ang pinagbago ko, naging lasingero at mabisyo sa paninigarilyo dahil sa impluwensya ng kabarkada ko. Doon ko na lang binubuhos ang lungkot at stress ko sa buhay. At ito na nga ang naging dahilan kung bakit di na ako makapagpadala ng pera sa probinsya at di nakakapagbayad ng ayos sa renta ng apartment na tinutuluyan ko. Dahil dun palaging nabubugnot si aling Choling, parinig ng parinig kada umaga para sa aming di pa nakakapagbayad ng upa. Noong isang gabi, Naghimutok din ito sa galit at nabugnot, isinumbong kami ng kabarkada ko sa Pulis dahil sa sobrang ingay namin habang nag-iinom. Kinabukasan, isinumbong namam ako sa tanod dahil sa nakawala kong aso na si Primo, medyo dapok at inaanay na kasi ang pinagtatalian nitong kapirasong kahoy, at hinabol ang mga pusa ni Aling Choling. Agad-agad na nalaman ng ate ko ang aking kalagayan, at dumalaw siya sakin at kinausap ako upang konbinsihing sumama sa kanya upang gawin akong isang tattoo assistant ng asawa niya, at doon alam niyang magiging maayos ulit ang buhay ko. Dahil sa katigasan ng ulo ko, di ako sumama sa ate ko at pinagpatuloy ko pa rin ang aking gawain. Noong oras na yun ay saktong nakasilip si Aling Choling sa awang ng bintana at agad na chinismis kami sa kanyang
mga kaibigan sa kalye ng mga chismosa. Lumipas ang araw at nawalan na nga ako ng trabaho sa konstruksyon, dahil sa pagsasarado nito sa kadahilan ng kumakalat na sakit na tinatawag nilang “Covid-19”. April 2020, isang buwan ako di nakakapagbayad kay Aling Choling. Puro na ako utang sa kabarkada ko, halos wala na akong maipambili man lang ng delata, inuuna ko pa ang bumili ng sigarilyo kaysa pagkain. Mayo 2020, kinagabihan ay inatake ako ng anxiety ko, iyak ako ng iyak, pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko, halos i-untog ko na sa pader ang aking ulo, at nakatulog ako.
Kinaumagahan ay naulian ako, nakatulala na lang ako sa labas ng bintana, iniisip ang kinabukasan ng buhay ko. Makalipas ang ilang oras, ako ay nagmumuni-muni, naninigarilyo habang nakatingin sa mga taong nasa labas na may nakaharang na facemask sa kanilang ilong at bibig, na kung saan nagudyok sa akin upang alalahanin ang kalagayan ng pamilya ko na naiwan sa probinsya. Habang nag-iisip ko rin ang aking nahintong trabahong pagkokonstruksyon, iniisip ko noon na baguhin na ang lahat sa sarili ko. Sa pangkahalatan ay namomroblema ako kung saan ako makakahanap ng perang ipapadala sa pamilya ko at ibabayad sa apartment na inuupahan ko na halos isang buwan ko na din di pa nababayaran.
Ilang sandali pa’y nagngingitngit na naman ang galit at inis ko kay Aling Choling, sa kadahilanan ng nakakabulahaw nitong pagpaparinig sa aming mga nangungupahan na di pa nakapagbabayad. Dagdag rito, nadagdagan ang aking inis ng maalala ko ang mga ginawa ni Aling choling na di kanais-nais, katulad ng pagreklamo nito sa Pulis, pagsusumbong sa Tanod at pangchichismis. Akala ko noon ay mapapalampas ko na ito pero di na kinaya ng inis at pride ko. “Sumusobra ka nang matanda ka!” Bulong ko sa aking sarili. Sa sobrang galit ko, takipsilim habang naniningil si Aling Choling, naisipan ko at pinagplanuhan ko na sunugin kinagabihan ang buong apartment nito kasama ang tinitirhan ko. Lumipas ang ilang oras, inantay kong dumilim, nakipag-inuman kay Tikoy, inantay ang alas dose, sinigurado ko na mahimbing ang tulog ni aling Choling. Nag-impake ako, nagnakaw, nasunog ko na ang buong kabahayan, nagulat ako ng naalala na nakalimutan ko si Primo sa bahay habang nakatali. Wala na akong nagawa, Umiyak ako at inantay kong humupa ang apoy. Pagkasilip ko’y patay na si Primo, ngunit ang ikinagulat ko ay wala sa hinihigaan ang matandang si Aling Choling, bagkus nakatakas ito dahil nagising ito sa lakas ng sabog ng gasul at narinig ang kataga kong binatawan “Enjoy Aling choling, Sleep Forever Babush!” Nagsumbong siya sa pulis, at siya ang dahilan kung bakit ako ngayo’y nasa kulungan at naparusahan.