Adaptation Process
Part A: Development of Performance Text
Time
Hindi tinukoy kung ano
ang eksaktong oras at
araw ngunit mababasa sa
istorya na nangyari ang
unang ganap ng istorya
sa gabi, nang hinatid ng
pangunahing karakter
ang isang pasahero.
Pagkatapos, ang kabuuan
na ng istorya ay nangyari
kinabukasan ng umaga.
Makikita natin na may
dalawang timestamps sa
istorya.
Sa aking adaptasyon,
naganap ang istorya ng
mga bandang alas dose
ng gabi, pagkatapos ng
trabaho ng pangunahing
karakter na isang drayber ng taxi.
Place
Unang nangyari ang
istorya sa harap ng
Megamall. Pagkatapos
ay sa istasyon ng radyo,
at sumunod ay sa
sementeryo kung saan
natuklasan ng
pangunahing karakter na
doon pala niya ibinaba
ang pasahero niya nung
nakaraang gabi. Ang
huling lugar kung saan
nangyari ang pagtatapos
ng kwento ay istasyon
ng pulis sa
munisipalidad ng
Mandaluyong kung saan
naganap ang rebelasyon
ng kwento.
Nangyari ang lahat sa
bahay ni Hester Ramos.
Character
Taxi driver
Hester Ramos,
isang 40-anyos
na drayber ng
taxi.
Plot Development
Title
Beginning
Middle
End
Hindi Namamatay ang Hustisya
Nagsimula ang istorya sa
isang maulan na gabi
nang isakay ng isang taxi
driver ang isang babaeng
iika-ika sa tapat ng
Megamall. Pagkatapos
niya ito ihatid,
magka-carbarn na sana
siya nang makita niya
ang wallet sa backseat
ng sasakyan kung saan
naupo ang babae.
Kinabukasan, pumunta
ang taxi driver sa
istasyon ng radyo para
ipaalam ang nawawalang
wallet. Doon, nang
binuksan nila ang wallet ay nakita nilang may
laman itong voter’s ID at
natuklasan nilang hindi
sa babae ang wallet
kundi sa isang lalaki.
Sinamahan siya ng isang
reporter para puntahan
ang address kung saan
ibinaba nung taxi driver
ang babaeng pasahero
niya kagabi. Laking
gulat nila nang malaman
na ang address na iyon
ay isang sementeryo. Sa
semeteryo pala bumaba
yung babaeng pasahero
niya kagabi.
Pagkatapos, pumunta
sila sa istasyon ng pulis
sa munisipyo ng
Mandaluyong para
ireport ang nangyari.
Doon ay nailantad sa
kanila na ang lalaki pala
doon sa voter’s ID ay
convicted sa
panggagahasa at
pagpatay sa isang
hostess na natagpuan sa
bakanteng loteng
pinagtayuan ng
Megamall mahigit
tatlumpong taon
Hindi Namamatay ang Hustisya
Si Hester Ramos, isang
40-anyos na lalaki, ay
umuwi sa kanyang bahay
at makikita sa mukha
niya ang takot at
pag-aalala. May kausap
siyang tao sa loob ng
kanyang bahay. Hinarap
niya ang kanyang kausap
saka sinabi ni Hester na
binubulabog siya ng
multo nung taong
pinatay ng kausap niya.
Sinisisi siya ni Hester
dahil kung hindi sa dahil
sa kausap niya ay hindi
mangyayari sa kanila
ang pambubulabog na
nangyayari. Sinisi rin ni
Hester ang kanyang
sarili dahil wala siyang
nagawa para tigilan ang
kausap niya sa pagpatay.
Pinaalala ni Hester ang
nangyari at tinanong
niya kung ano ang
motivation ng kausap
niya para patayin yung
tao. Patuloy parin
pinapaalala ni Hester
kung gaano ka-miserable
ang buhay ng kausap
niya pagkatapos nung
insidenteng pagpatay ng
kausap niya.
Sa gitna ng kwento ay
sinabi ni Hester na hindi
rin pinapatahimik ng
multo ang utak niya.
Ikwinento niya ang
kanyang naranasan bago siya nakauwi. Ang
kwento niya ay tungkol
sa isang babaeng
isinakay niya sa tapat ng
Megamall. Inihatid niya
ito sa kanyang
paroroonan. Pagbaba
nung babae ay may
nakita siyang wallet na
may laman na voter’s ID
ng kausap niya.
Lumingo siya sa paligid
at doon niya nakita na sa
sementeryo pala bumaba
ang babae
Sa huli ay inilabas ni
Hester ang
sandamakmak na pills.
Inalok niya ito sa kausap
niya para matigil na ang
nararanasan nitong
pambubulabog. Tumayo
si Hester at naglalakad
papunta sa kausap niya –
na nasa loob ng salamin.
Lumantad na ang kausap
niya pala ay ang
reflection niya sa
salamin. Ininum ni
Hester ang mga pills.
Unti-unti siyang
nanghina hanggang sa nabalot na siya ng dilim.
Definition of Terms
Babae
Denotative - Kabaligtaran ito ng salitang lalaki. Ito ay salitang pangakaraniwang ginagamit para sa tao.
Contextual - Isang babaeng sinakay ng driver sa tapat ng Megamall isang gabing umaambon.
Recontextualized – Representasyon ng temptasyon kung saan pinalabas niya ang kayang gawin ni Hester para makuha niya
pabalik ang nobyo.
Lalaki
Denotative – Katawagang pangkasarian para sa mga kalalakihan.
Contextual - Ang lalaki dito sa kwento ay isang karakter na kungsaan siya ang pumaslang ay nanggahasa sa babae tatlumpong taon na ang nakalipas.
Recontextualized - Ito ay katauhan ni Hester, na siya palang pumaslang sa babae ng nobyo niya dahil sa selos at obsesyon niya rito dalawampung taon na ang nakalipas.
Sementeryo
Denotative - Kilala bilang huling hantungan ng mga patay, kampo santo, at pantiyon ay isang uri ng libingan.
Contextual - Ito ang lugar kung saan pala inihatid ng taxi driver ang babae.
Recontextualized - Lugar kung saan inihatid ni Hester ang babae. Ito rin ay nagsilbing paalala ng babae kay hester na kahit nasa kabilang buhay na siya ay di siya titigil sa pambubulabog dahil sa kasalanang ginawa ni Hester.
voter’s ID
Denotative - Ito ay isang voter identification na kinakailangan ng isang tao upang siya’y makaboto sa eleksyon.
Contextual - Ito ang natagpuan ng taxi driver nang buksan niya ang wallet na pagmamay-ari ng isang lalaking convicted sa pagpaslang at panggagahasa sa isang hostess sa Henry’s.
Recontextual - Isa ang gamit na ito sa mga naging katalista patungo sa rebelasyon na ang larawan sa voter’s ID ay ang taong pumaslang sa babae ng nobyo niya – walang iba kundi si Hester din lang.
Wallet
Denotative – Karaniwang lalagyan ng pera, resibo, at ID.
Contextual - Isang bagay sa kwento na natagpuan ng taxi driver sa backseat.
Recontextualized - Isang bagay sa kwento na natagpuan ng taxi driver sa backseat.
Character Sketch
Ako si Hester Ramos. Isang lalaking halos nasa kalahati na ng kanyang buhay – 42-anyos na ako. Ako ay Pilipino at isa akong Ilocano na nagmula pa raw sa probinsya ng Nueva Vizcaya kwento lang ng aking nanay dahil dito kami ipinanganak at lumaki sa Maynila. Dalawa kaming magkapatid – ako at ang aking kuya. Ngunit siya lang ang itinuturing na anak lalo na ng malaman ng aking tatay ang aking sekswalidad. Di ko rin naman siya masisisi dahil debotong katoliko ang pamilya ko. Pero sapat na ba na dahilan iyon para itakwil ang sariling anak? Hindi ba’t mas malala ‘yon kaysa sa pagkakagusto sa kapwa lalaki? Hindi rin naman ako malapit sa kapatid ko dahil naimpluwensiyahan na rin siya ng tatay namin. Tanging ang nanay ko lang talaga ang nagbigay sakin ng pagmamahal kaya sobra ang hinagpis ko nang pumanaw siya nung ako’y 18 taong gulang. Andaming pagmamahal na naiwan sa akin kaya ngayong wala na ang nanay ko, kanino ko na ‘to ibibigay? Kaya naman nung nakilala ko ang nobyo ko sa parehong taon na nawala ang nanay ko, ibinuhos ko lahat ng iyon sa kanya kahit pinagtabuyan pa ako ng tatay ko, at kahit alam kong dahil sa kanya ay nalulong ako sa mga masasamang bisyo. Halos dalawang taon din kami magkarelasyon. Ngunit ‘di ko naman inakala na makakagawa ako ng karumal dumal na krimen dahil sa sobrang pagmamahal na iyon. Bente taon din akong nakulong dahil doon. Sa kasalukuyan ay 42-anyos na ako at isa akong taxi driver. Halos dalawang taon narin mula nang makalaya ako. Pagkalabas ko ng bilangguan nalaman kong wala na ang aking tatay at wala na akong balita sa aking kuya bukod sa nakatira na siya sa ibang bansa. Mag-isa na talaga ako. Simple lang ako manamit, meron lang akong kaunting t-shirt at dalawang pares ng pantalon pero kadalasan ang suot ko ay ang uniporme ko bilang taxi driver na polo at slocks. Walang araw na hindi ako nagsisi sa mga ginawa ko, lagi kong nararamdaman ang bigat ng konsensya kaya naman nagsimula ulit ako gumamit ng ilegal na gamot para kahit papaano ay matakasan ko ang boses ng konsensiya. Hindi ko alam kung hanggang kalian ko ito kakayanin.
Sa kasalukuyan, nakatira ako dito ngayon sa Pasay City. Lumipat ako dito pagkatapos ko lumaya dahil bukod sa wala na akong pamilya, walang may kakilala sa akin dito. May inuupahan akong maliit na bahay na pagmamay-ari ng matandang si Mrs. Gomez. Bahay dapat ito ng anak nila pero dahil wala na ito, pinaupahan na nila ito. Hindi kapanipaniwala ang kabaitan nila dahil pumayag sila patuluyin ako kahit wala pang down payment. Hindi ko na tinanong kung bakit. Nakakakabit parin sa pader ang graduation picture ng anak niya – hindi ko na ito tinanggal para sa respeto. Maayos naman ang bahay. Hindi siya gaano kaliit, hindi rin naman siya gaano kalaki. Kumbaga sakto siya para sa isang tao. Sa sala ay may sirang sofa na halos kita na ang laman loob nito kaya ang ginawa ko ay tinakpan ko nalang ito ng mga tela para di masyado mahalata ang mga sira. Mainit dito. Lalong lalo na kapag panahon ng tag-init. May ceiling fan nga na nakakakabit pero matagal na raw itong hindi gumagana. Kapag umuulan naman, may mga butas yung bubong kaya kapag naulan ay umuulan na rin dito sa loob. Naiirita man ako dahil sa init, naiirita man ako sa tuwing umuulan – wala akong Karapatan magreklamo dahil sino ba naman ako. Tiis-tiis nalang talaga ang labanan dito. Magkakadikit ang mga bahay dito. Sa katunayan, sa kabilang kanto lang yung bahay ni Mrs. Gomez. Bukod sa kanya, ang kapitbahay lang na kakilala ko ay si Mang Rodel, dahil siya yung may ari ng welding shop na nasa tabi ng bahay na inuupahan ko. Minsan ko lang siya nakausap, at iyon ay nung makita kong may kinukumpuni siyang flatscreen TV na nababaklas na yung screen at may LCD pa – pero gumagana pa. Binenta niya ito sa akin sa murang halaga. Bukod sa kanya, hindi ko na binalak na kilalanin pa ang ibang kapitbahay dahil pakiramdam ko ay masama ang tingin nila sa akin – na para bang alam nila ang mga ginawa ko.
Kanina sa trabaho may transaksyon nanaman na naganap sa pagitan ko at ng ka-trabaho ko. Nung nakaraang linggo sabi ko huli ko na iyong bili sa kanya ng ipinagbabawal na gamot, pero ayaw matahimik ng boses sa utak ko. Binubulabog parin talaga ako ng konsensya. At saka ko lang ito hindi nararamdaman kapag nakasinghot ako ng gamot. Araw-araw nalang ba na ganito? Nung nasinghot ko na yung gamot, biglang gumaan at tumahimik yung utak ko. Hindi ko alam kung totoo o dahil lang sa droga ang mga naranasan ko kanina. Alin ang totoo? Kanina nakita ko ang mukha ng buong pamilya ko. Pagkatapos non, doon ko na nakita yung babaeng iika-ika sa tapat ng Megamall. Gabi na at umaambon kaya hinatid ko siya. Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko alam kung totoo ba o dahil lang sa droga pero paglingon ko sa binabaan nung babae – sementeryo! Doon ko napagtanto kung sino yung babae; siya yung babaeng pinaslang ko, dahilan kung bakit ako nakulong ng bente taon. Nanindig ang balahibo ko. Dali dali akong umuwi. Ayoko na. Muli ko nanaman naramdaman ang pagsisisi, at ang bigat ng konsensya. Nakita ko na siya, at sigurado na akong hindi ito panaginip. At ngayon may takot na akong naararamdaman. Ngayon, andito ako nakaupo sa sira-sirang sofa. Iniisip ko kung hanggang kailan ba ito mangyayari. Mas lumakas ang boses sa utak ko at ito nalang mismo ang naririnig ko. Mainit dito sa loob pero nilalamig parin ako. Siguro kailangan ko nang tanggapin na hangga’t nabubuhay ako ay hindi ako titigilan bulabugin ng konsesya; hindi niya ako titigilan na bulabugin dahil kinuha ko ang buhay niya. Kung buong buhay ko ito mararanasan kahit maagsisi ako, hindi ba’t mas mabuti na mawala nalang ako? Hindi ko ito kaya.

BIOLOGICAL TRAITS
● Ako ay nasa edad na 42-anyos.
● Ako ay may laki na 178 cm
● Kulay brown ang aking mga mata na namana ko pa sa aking tatay.
● Ang aking buhok ay kulay itim na namana ko pa rin sa aking tatay. Unat ang aking mga
buhok at ito lang ang namana ko sa aking nanay dahil ang buhok ng tatay ko ay may
pagkakulot.
PHYSICAL TRAITS
● Meron akong nunal sa may taas ng labi ko ngunit natatakan ito ng aking balbas.
● May balbas ako na hindi ko magawang ahitin dahil hindi ko mahanapan ng oras para
gawin ito.
● Halata din sa mukha ko ang mga eyebags sa ilalim ng aking mga mata. Dahil ito sa
kakulangan ng tulog gawa ng aking trabaho bilang taxi driver na kung umuwi ay malalim
na ang gabi. Minsan ang dahilan ng hindi ko pagtulog ay ang aking insomnia dahil hindi
ko mapatahimik ang isipan ko.
● Laging magulo ang buhok ko dahil kahit anong gawin kong ayos ay ayaw nito maayos.
● Lagi kong dala yung asul ko na panyo dahil kailangan ko ito pag pinagpapawisan ako
habang nasa trabaho lalo na kung mainit ang panahon.
BEHAVIORAL TRAITS
● Tahimik akong tao, siguro ay dahil na din sa lumaki akong pinaramdam sakin ng mga
magulang ko – lalo na aking tatay – na mag-isa lang ako sa mundo dahil dito sa
sekswalidad ko.
● Ako yung tipong tao na kinikimkim yung galit dahil pakiramdam ko ay wala akong
dahilan para magalit sa mundo – na hindi ako pwede lumaban dahil tinatak sakin ng tatay
ko na okay lang na maltratuhin ako dahil dito sa kung sino talaga ako. Pero kapag
sumobra na talaga, doon na pumuputok yung galit ko at gulo ang kalalabasan nito.
● Madali akong ma-attach sa mga tao. Pakitaan lang nila ako ng kahit kaunting apeksiyon
ay papahalagahan ko na sila at gagawin ko ang lahat para manatili sila sa buhay ko.
MOTIVATIONAL TRAITS
● Nang magawa ko ang krimen sa babae ng nobyo ko dati, labis ang pagsisisi ko. Mas
lalong bumaba ang tingin ko sa sarili ko at hindi na lamang ito dahil sa aking sekswalidad
kundi dahil na rin sa krimen na ginawa ko. Pagkalaya ko, hindi ko na makita ang saysay
ng buhay ko dahil sa mga nagawa ko. Dapat sa akin ay mawala nalang dahil iyon ang
dapat na nangyayari sa mga kriminal na tulad ko.
● Tanging ang inaalala ko nalang sa mga araw na ito ay kung paano ako makakaraos sa
isang araw na hindi nababaliw dahil sa bigat ng konsensiya. Hindi ko alam kung
hanggang kailan ko ito makakaya.
DELIBERATIVE TRAITS
● Padalos-dalos ako kung gumawa ng desisyon. Kaya ko nagawa yung krimen. Hindi ko
inisip kung ano ang magiging kahihinatnan ko pagkatapos itong gawin.
● Nakadepende ang mga desisyon ko sa mga taong pinapahalagahan ko. Kahit hindi
sang-ayon sa akin yung desisyon nila, kung iyon ang gusto nila mananahimik ako at
susunod sa kanila ng buong puso. Matatawag akong “people pleaser.”
● Basta para sa taong iniikutan ng mundo ko, gaano man ka-delikado, kalala, nakakasakit
man ito sa sarili ko o sa ibang tao ay wala akong pakialam. Wala akong maramdaman
bukod sa obsesyon ko sa taong iniikutan ng mundo ko.
DECISIVE TRAITS
● Gaya nga ng sinabi ko, ang pagdedesisyon ko ay padalos-dalos.
● Kung may taong iniikutan ang mundo ko, ang desisyon niya ay desisyon ko na rin at wala
akong pakialam kung makasakit man ako ng tao. O kung masaktan ko man ang sarili ko.
● Gagawin ko ang lahat para masiguradong lagi siyang nasa tabi ko.
● Kung may hahadlang man sa akin mula sa kanya ay di ko alam kung ano ang magagawa
ko. Handa akong makipagpatayan para hindi siya mawala sa akin at para nasa tabi ko
lang siya