top of page

Adaptation Process

Part A: Development of Performance Text 

Time

There’s no exact or given time in the context of when the whole event occurred. However, there is a given time of when the action will occur, there is a signal before the specific action. “Dalawang minuto ang pinalampas. Paghudyat niya’y umatungal ang makina ng motor.”

Bago palang sila pumunta sa lugar dahil sa naiutos na krimen, nakaplano na ang gagawing krimen ng isang araw bago ito gawin. Umaga palang ay naka abang na sa tapat ng bahay ng punteryang mayor. Naka-abang na ang dalawa magkaibigan sa punterya nila, alas 6 palang ng umaga. At nang nangyari ang pananambang at pagpaslang sa mayor ng alas 4 ng hapon.

Place

“Kumaripas siya ng takbo patungo sa bakod”

.“Pumasok sila sa masikip na pasilyo” “Lumabas ang motor sa pasilyo at tinungo ang low-bed trailer”

Naganap ang krimen at pag paslang sa Mayor sa tapat mismo ng bahay nito, sa bayan ng Malolos Bulacan. Inabangan at tinambangan ito pagkalabas na pagkabalas ng sinasakyan nito na Pajero sa bakod at tarangkahan ng kanilang bahay. Si Adam ay naka abang sa may malagong puno ng akasya katabi ng bahay na katapat ng bahay ng punteryang mayor. Ang kaibigan naman niyang si Joseph ay naka-abang sa kanto malapit sa kung saan naka abang si Adam.

Character

Dalawang gunmen na may sukbit na Kalibre 45.

Dalawang magkaibigan at magkababata, si Adam at Joseph. Sila ay magkasama sa paggawa ng krimen at magkatrabaho bilang mga bayaran na mamamatay o gunman. Sila ay may katagalan na rin sa gawaing ito. Pinili ang ganitong trabaho dahil sa malaking kita.

Plot Development  

Title

Beginning

Middle

End

“SHOOTER”

Hinintay niyang makapasok sa bakuran amg Pajero. Sampung hakbang ang layo niya mula sa pader na may barbed wire sa ibabaw. Sinulyapan niya ang lalaking nakasakay sa motor, nasa lilim ng malagong akasya.

Paghudyat niya’y umatungal ang makina ng motor. Kumaripas siya ng takbo patungo sa bakod, tumadyak sa umbok na lupa, tumalon, inumang ang Kalibre 45 sa ibabaw ng bakod, ipinutok. Pagbagsak sa lupa’y mabilis umangkas sa nakatapat na motorsiklo. Maririnig ang sigawan ng mga tao sa loob ng bakuran.

Pumasok sila sa masikip na pasilyo, huminto ang motorsiklo. Bumaba ang may sukbit ng .45 nang barilin siya ng driver ng motorsiklo. Lumabas ang motor sa pasilyo at tinungo ang low-bed trailer na nakaabang sa bakanteng lote.

“SHOOTER”

Bago palang makatanggap ng tawag mula sa kliente sila Adam at Joseph. Napag-isip isipan na ni Adam na itigil na ang ilegal na trabaho dahil napag isip-isip na rin nito ang mga hindi makatarungang nagawa ng dahil sa pera. Dahil rin na hindi siya tini-tigilan ng mga multo ng taong kinitilan niya ng buhay. Napag desisyunan na iwan na ang trabaho at kaibigan. Gusto na rin nito na magpakalayo-layo kasama ang binubuhay na pamilya. Ang mga ito ang naging dahilan ng pagtatalo ng magkaibigan. Kinausap ni Adam ang kaibigan at sinabi ang mga dahilan ng nagawang desisyon, at kasabay rin nito ang pagsabi at pagkonsensya ni Joseph kay Adam, na kung may magbabago pa daw ba sa mga bagay na nangyare na? At ang mga sasabihin ni Joseph ay magiging dahilan kay Adam para wag ituloy ang nagawang desisyon. Nang araw ding iyon ay nakatanggap ang dalawa ng tawag mula sa isang kliente na tauhan daw ng gobernador na meron daw siyang gustong ipa patay. At malaki ang matatanggap na pera mula dito. At dahil nga sa sinabi ni Joseph, wala ring nagawa si Adam kung di ay tanggapin ang trabaho. Pagkatapos makatanggap ng tawag ang dalawa, agad itong nagplano at naghanda sa gagawing krimen. Pagtapos maghanda at planuhin ang krimen, kinumpirma nila ulit ang detalye kung sino at kung saan gagawin ang pagpatay. At dun na nga nila nalaman na isa ding tumatakbo sa pagka gobernador ang ipapatay at ito ay taga Bulacan na nagkakampanya at tumatakbo din sa lungsod.

Agad ngang pumunta ang dalawa sa lugar upang gawin na pinaplano. Umaga palang naka-abang na ang dalawa sa tapat ng bahay ng punteryang gobernador, nagmamasid at naghihinatay ang dalawa sa pag labas ng target. Si Adam ay naka-abang, habang nag yoyosi at umaarte lang na parang normal sa una. Si Joseph naman ay naka-abang sa senyas ni Adam dahil siya backup sa krimen. Naka-abang ito sa may kanto malapit kung saan nakatayo si Adam at nagmamasid. Inabot na nga sila ng mag aalas 4 ng hapon at napansin na nga ni Adam na may magbubukas ng gate, at doon nga’y nakita niya ang target na gobernador. Siya na nga ay sumenyas kay Joseph at gagawin na ang krimen. Naka-abang na si Joseph para alalayan si Adam at si Adam naman ay inihahanda na ang Kalibre 45 na gagamitin. Papalabas na nga ang pajero sa bakod at tarangkahan ng malaking bahay at kasabay din nito ang paglapit ni Adam sa sasakyan. Dito na rin pina andar ni Joseph ang motor patungo kung saan naroroon si Adam.

Nang makahanap nga tyempo ay agad na pinaputok ni Adam ang Kalibre 45 na sukbit nito mula bintana ng sasakyan at napatay nga ang gobernador. Agad na sumakay si Adam sa motor at pinakaripas ni Joseph ang takbo ng motorsiklo para makatakas. Di nila akalain na sa pagtakas ay dito din sila hahabulin ng mga bodyguard ng gobernador habang nakamotor. Habang papatakas at nakamotor, sila ay nakikipag-palitan din ng putok sa mga nakasunod na bodyguard ng gobernador. Pinakaripas pa nga ni Joseph ang takbo ng motor at sinubukan pang lituhin ang mga ito. Dahil mabilis na pagpapatakbo, sumemplang ang motor, nang maabutan na sila ng mga sumusunod na bodyguard ay pinatakas ni Joseph si Adam habang may pagkakataon. Dahil nga sa sugatan na nga ang dalawa, pinilit pa rin makipagpalitan ng putok ni Joseph sa mga ito. Ayaw pa nga sana iwanan ni Adam si Joseph ngunit wala na rin itong magawa. Nang makatakas nga, ay nalaman niya rin sa balita ang pakasawi ng kaibigan dahil sa pag-paslang sa gobernador. Hindi pa rin ito makapaniwalang wala na ang kaibigan, siya din ay nagsisi at nanghihinayang sa mga kaganapan. Kaya dito niya rin naisipan na isuko ang sa sarili at nagkusang pumunta sa istasyon ng polisya sa Bulacan kinabukasan pagkatapos ng krimen.

Definition of Terms

DETONATIVE DEFINITION Bakod - Isang harang na maaring gawa sa kahoy o bato na nagsisilbing proteksyon sa isang bahay, gusali o isang lupain. Gunmen - a man armed with a gun, especially: a professional killer Kalibre .45 - Isang uri ng baril o Pistol Kumaripas - Mabilis na pagtakbo dahil sa takot na nadarama. Ang kauri nitong “Harurot” at “Barurot” ay ukol sa umaandar na sasakyan. Motorsiklo - A motorcycle, often called a motorbike, bike, cycle, or trike, is a two-or three-wheeled motor vehicle. Motorcycle design varies greatly to suit a range of different purposes: long-distance travel, commuting, cruising, sport, and off-road riding Pajero -Isang uri ng sasakyan na mula brand na Mitsubishi. Sukbit - Dinala o Dala-dala CONTEXTUAL DEFINITION Bakod - Nagsilbing harang sa mga tao sa loob ng bakuran. Gunmen - Mga lalaking may dala-dalang Kalibre ng baril. Kalibre .45 - Ginamit ng isang gunman na may dala dalang Kalibre 45 upang iputok sa loob ng bakod. Kumaripas - Mabilis na tumakbo ang lalaki patungo sa nakamotorsiklo. Motorsiklo - Sinakyan ng lalaking may sukbit na Kalibre 45 pagkatapos nito itong ipaputok sa loob ng bakuran. Pajero - Sasakyang hinintay ng lalaking may sukbit na Kalibre 45 Sukbit - Bumababa ang lalaking may sukbit o dala-dalang Kalibre 45. RECONTEXTUALIZE DEFINITION Bakod - Harang sa malaking bahay ng gobernador. Gunmen - Dalawang magkaibigan na trabaho ang pag hawak ng baril at binabayaran para

Character Sketch

273990828_504593681010696_5302594034376611709_n.png

My name is Adam Labao, I’m 30 years old now. And I am a Filipino, male, living in Tondo, Manila with my wife and daughter. I’m wearing rubber shoes, leather pants, a blue t-shirt and I put a denim jacket on top. I also wear my favorite black with a red print head cap and a mask. I’m in the interrogation room in Bulacan Municipal Police Station, where I also did the crime with friend and tandem in crime, who died while doing our job in the city. It was just a small room with have a barely light and black background, so you will only focus on who are you talking to. Even if the room was air-conditioned and the interrogation happened in the morning, I still get sweaty and I also feel the nervousness in me while interrogated by the police. I surrendered myself the next day morning after the crime. I voluntarily went to the police station after the crime. In the interrogation room, I was sitting right in front of the police who were in charge of the case, and I told everything that I know at the crime scene, in every detail. Why did I do the crime, who hire me, and who ordered it. It somewhat makes me anxious because I don’t know what will happen to me next, also this is the first time I surrendered myself after all the crimes that I’ve committed.

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page