top of page

Adaptation Process

Part A: Development of Performance Text 

Time

Place

Character

Kung magbabase tayo ayon nakasulat na binigay saakin, mapapansin natin na ito ay naganap palagitna ng hapon, dahil nakasulat na “humihirit sa kakapalan ng mga tao sa kalsada”, may mga lipumpon sa kalsada. Wala din itong espesipiko na taon o panahon, pero ang kwentong ito ay ginawa noong 2011 kaya ito ay may tiyak na pangyayari.

Ayon sa nabasa ko, ito ay nasa pasilyo ng isang malaking gusali.

Itong character na ito ay walang binanggit na pangalan pero sa binigay na paglalarawan. Isa siyang hitman, na kung saan may isa siyang tinatarget at nais niyang patayin. Sa kanyng pakay ay tatapusin niya ng walang padaloy-daloy.

Sa akin naisip, napakahirap gawin kung tayo ay magbabase sa araw o kung gaano karami mga tao. Binigay kong diin ang sitwasyon na ito ay ginanap nang palubog na ang araw at sisikat na ang buwan.

Dito sa lugar na ito, ang naisip kong lugar ay nasa isang kwarto sa loob ng bodega.

Ang character ko ay binigay ko ng buhay at pananaw kung ano ang kanyang layunin kung bakit niya kailangan pumatay o gumawa ng krimen. Napaka yabang ang kanyang ugali, sobrang laki ng ulo at masyadong nagmamarunong pero sa simpleng pagkakamali niya, matitiklop siya.

Plot Development  

Title

Beginning

Middle

End

HITMAN

Ang crosshair ng riple ay humihirit sa kakapalan ng mga tao sa kalsada. Naglagos pasilyo ng malaking gusali. Tumuon sa likod ng lalaking naka-jacket na itim at naglalakad.

Pop! Binutasngbalaang balikatngjacket. Bumagsak ang lalakisa baldosa. Nagkumahogbbumangon. Nagawang lumuhod.

Pop! Muling bumulagta ang lalaki. Muling nagkumahig. Nakabangon. Walang lingon-likod na tumakbo, paekis-ekis sa kakapalan ng mga tao. Patungo sa pintuang salamin.

Pop! Pop! Ang buong pintuang salamin ay nabasag, bumagsak. Umulan ng bubog. Ang mga tao'y parang kawan ng langgam na nabulabog, nagtakbuhan.

Pop! Pop! Pop! Nadapa ang lalaki, gumulong, nakabangon muli! Tumakbo papasok ng gusali. Nakarating sa madilim na lobby.

Nang muling tumambad sa crosshair ang lalaking naka-jacket ay nakaharap ito, nakangiti! Bago muling nakalabit ang gatilyo ay biglang pumula ang paligid. Namanhid ang ulo ng mga hawak ng baril at tumilamsik sa kamay ang dugo.

Kidnapper

Humihinga ng malalim, pinapawisan at hindi makasigaw na parang bang may tela nakasuksok sa kanyang bunganga. Pagdilat ng kanyang mata, madilimang kanyang paningin, puro mga sumasayaw na bituin. Sinubukan niya kumilos pero hindi niya magalaw ang kanyang kamay at paa. Maririnig niya ang tunog ng telepono, at ang unang boses na maririnig niya ay parang pamilyar sakanya.

Mayabang ang kanyang mga tono at tuwang tuwa dahil siya ay pinupuri sa kanya ng ginawa. Maya - maya lumalapit na ang lalaki sa kanyang upuan , sabay huhubarin niya ang supot sa kanyang ulo. Makikita niya ang isang binatang lalaki, nakasuot ng skimask, ang kanyang pormahan ay nakagray na t-shirt, nakaleather jacket at naka jeans. Tumatawa ang binata na lalaki, pinagmama laki ang kanyang kakahayan, walang hiya niya pang binabanggit mga ginawa niya ng krimen. Sa kanilanag pag-uusap, babahagi niya ang mga bagay tungkol sa kanyang tatay, inis na inis siya tuwing naalala niya ang kanyang tatay, “Mahigpit pa yun!” , sabi ng binata. Wala na siya ng pwede ibahagi sa kanya at ayaw na ayaw niya makita muli.

Nanginginig ang kanyang kamay, at tatanggalinang kanyang skimask ,ang kanyang ekpresyon ay mga halong halo gera. Pasikot sikot ang kanyang mga kilos, dahil sa kanyang nararamdaman napuno siya ng galit ,binato ang kanyang telepono at nilabas niya ang kanyang baril sa kanyang likod, bubunutin naman sa kanyang kaliwaang balaat

Definition of Terms

Denotative definition

● Binata - lalaki, tao, at tauha

● Crosshair - isang optical device tulad ng telescopic sight, spotting scope, theodolite, optical microscope o screen ng isang oscilloscope, upang magbigay ng pagsukat.

● Tumambad - ilantad, maglantad, lumantad, ibunyag, at isiwalat

 

Contextual definition

● Binata - bata, pinakahuli sa posisyon, o ranggo

● Crosshair - target, kalaban

● Tumambad - gawin (isang bagay) na nakikita sa pamamagitan ng pag-alis nito.

 

Recontextualized definition

● Binata - anak o mahina

● Crosshair - panakot, o pagiging mayabang

● Tumambad - walang tibay o lakas

Character Sketch

263986875_425961509297209_9012400824841185597_n.png

Biological Traits

 

●       Ako ay si Totoy, dalawanmpuin na tao.

 

●       Tumatayong 172cm, matangkad na para sa sakin sa ganitong edad ko.

 

●       Ang aking mata at ang aking katawan ay kulay kayumanggi.

 

●       Ang kulay ng aking buhok ay kulay itim.

●        

●       May sungki ang aking ngipin.

 

 

Physical Traits

 

●       Ang aking buhok ay may pagkakulot, hindi rin gaano kahaba ang aking buhok.

 

●       Punong puno ng mga tigyawat ang aking mukha.

 

●       Bagsak na bagsak ang aking mga mata.

 

●       Ako ay madalas mabulol at mautol sa aking pananalita.

 

●       balahibuhin ang aking mga buhok.

 

●       Hindi ako gaano mataba at hindi rin ako gaano kapayat

 

Decisive Traits

●       Gumagawa ako ng sariling desisyon agad nang hindi ko alam kung makakabuti ba ito para saakin.

●       Hindi ako magaling na lider kumbaga ako ay sunod-sunuran lamang.

 

Behavioral Traits

 

●       Napakayabang ko na tao pero kahit sobrang yabang ko, napakahina ko din na tao.

●       Isa akong narsisismo.

Motivational Traits

●       Ako ay binigay ng isang utos at nais ko makamit ang aking gusto kaya gagawin ko siya ng walang pero pero.

●       Gusto ko magkaroon ng proteksyon para sa sarili at iyon ang aking gagawin.

Deliberative Traits

●       Hindi ako nagiging maingat sa mga bawat kilos ko.

●       Mabilis ako kumibo at tanggapin ang mga pangyayari

●       Wala akong pake sa ano mangsabihin sakin pero iisa lang ang bibigyan ko ng halaga at iyon ang aking ama

Ako ay si Alfonso alyas “Totoy”, galing sa isang paborito na actor ng aking tatay na si Alfonso Torrente. Ako ay nasa dalawampu’t pito gulang pa lamang, pinanganak sa Tondo, pinalaki sa San Andres Bukid, nag-aral sa may Vito Cruz, Malate at Recto. lumaki ako ng walang ina, kaya ang tatay ko ay naging strikto sa kanya sa mga kilos na ginagawa ko. Walang naman akong alam sa mga pormahan kaya ang aking kasuotan ay mga pupuchugin, sumasabay sa mga uso katulad ng mga Fly Emirates t-shirts, tucked-in polo shirts o mga second hand branded clothes, at mga iba naman ay ninakaw ko lang sa ukay-ukay, Divisoria at Quiapo. Pero dahil sa isang organisasyon na pinasukan ko, nakasuot din ako ng mga mamahalin at disenteng na kasuotan, nakuha ko din ang tipikal na leather jacket pero ito ay        gamit na at sira sira na, dahil sa kasanayan hindi ko parin maiwasan magnakaw ng mga damit sa ukay ukay.

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page