top of page
LAGAPA.JPG

Hindi Namamatay ang Hustisya

ni Rommel Lagapa

Ang aking monologue ay tumutukoy kung gaano nga ba kabigat ang isang krimen. Ano nga ba ang parusa nito? Tumutukoy lang ba ito sa pagkakakulong? Pinapakita rin nito kung ano nga ba ang nangyayari sa isang kriminal pagkatapos nito makulong, nagkakaroon ba siya ng redempsyon o hindi?

​

“Nakalaya ka nga sa bilangguan, pero nakalaya ka nga ba talaga kung naka-kadena ka pa rin sa kasalanan na ginawa mo?”  - Hector

BIONOTE

Si Rommel Jones Lagapa ay isang 19-anyos na aktor na kasalukuyang tinatapos ang Batsilyer ng Sining Pagtatanghal sa Polytechnic University of the Philippines, Manila. Siya ay nakapagtapos ng sekondaryang edukasyon at nagkamit ng mataas na karangalan noong 2020. Bukod sa pag-arte ay mayroon din siyang interest sa pagguhit at pagtugtog ng piano. 

Noong nasa murang edad pa lamang si Rommel ay nakitaan na niya ng interest ang pag-arte dahil na rin sa hilig niya sa panonood ng mga pelikula. Namamangha siya sa tuwing nakikita niya ang mga aktor sa mga pelikula dahil sa abilidad nilang magbigay buhay sa mga karakter na naibibigay sa kanila at sa abilidad nilang magparamdam sa mga manonood ng emosyon na noong una ay wala naman doon. Sa kagustuhan man ni Rommel na tahakin ang mundo ng pag-arte ay hindi niya ito nagawa noon dahil kulang siya sa kumpiyansa sa sarili kaya napilitan siyang kalimutan na lamang ang pangarap niyang ito. Ngunit habang siya’y lumalaki ay mas nag-aalab ang kagustuhan niya rito. Pagtungtong niya ng senior high school ay unti-unting nahahanap ni Rommel ang kumpiyansa niya sa sarili nang siya ay gumanap sa kanilang klase bilang si Lady Boy sa isang maikling pelikulang adaptasyon nila ng The Ascension of Our Lady Boy na isinulat ni Mia Tijam. Sa kaparehang taon din ay sumali si Rommel sa isang kompetisyon ng tula-dula kung saan sinamay siya sa pagtatanghal. Simula noon ay doon na nagsimula ang paglalakbay ni Rommel sa pagtatanghal.

Sa kasalukuyang dalawang taon ni Rommel sa kolehiyo na may kursong Batsilyer sa Sining Pagtatanghal ay may mga naging proyekto na siya na nagbigay sa kanya ng mas marami pang karanasan sa pag-arte at pagtatanghal. Sa unang taon niya ng kolehiyo ay nagkaroon siya ng maliit na papel sa dulang Walang Sugat ni Severino Reyes sa direkyon ni Agustin Jose Taban-ud. Kalagitnaan ng 2021 nang siya ay isa sa mga bumida sa dulaang musikal na Sapantaha sa panunulat ni Patrick Servo at sa direksyon ni Erika Garcia sa ilalim ng PUP Tanghalang Molave kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay naging nominado siya bilang pinakamahusay na pangunahing aktor sa Sibol Sining Musical Theater Festival noong 2021. Isa rin siya sa mga bumida sa isang Halloween Special radio drama series sa produksyon ng Pattaraday Mnemosa na pinamagatang Justice On-Air kung saan binigyang boses niya ang karakter ni Juancho, isang lalaki na nangangakong bibigyan niya ng hustisya ang pagkawala ng kaniyang malapit na kapitbahay. Sa labas naman ng unibersidad ay naging bahagi din siya sa theater festival ng CIIT sa ilalim ng Hatdog Production ng Telon sa isang dulaang musikal na Lukayo sa direksyon ni Fredriech Lix Soriano. Sa pagkakataon ulit na ito ay muling nominado ulit si Rommel bilang Best Supporting Actor sa “Year-End Awards Night” ng Telon sa Telon Theater Festival noong 2021. 

 

Sa ngayon, inaabangan ni Rommel Jones Lagapa ang mas marami pang proyekto na dadating sa taong ito upang magbigay sa kanya ng aral sa pag-arte at sa pagtatanghal. Nangangarap si Rommel na hindi lang siya magiging aktor sa industriya ng teatro kundi pati na rin sa mainstream media.

MONOLOGUE

Screenshot (88).png

Contact

I'm always looking for new and exciting opportunities. Let's connect.

0928 406 3736

Follow me: 

  • Instagram

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page