top of page
Angeles.jpg

Istraktura ng Katotohanan

ni Judielle Angeles

Isang babaeng nahanap ang kaniyang sarili sa gitna ng gulong nagsimula sa kaniyang pagkakamali

​

"Magagawa mo rin ba sakin yun? Nakita ko sa drawer yung baril na tinatago mo." - Meliah

ACTOR'S BIONOTE

Si Judielle Angeles ay isang actor, mangangawit, manunulat, assistant director at naghahangad na maging magaling na direktor isang araw. Siya ay dalawang pung taong gulang at kasalukuyang tinatapos ang pag-aaral sa Polytechnic University of the Philippines sa kursong Bachelor in Performing Arts major in Theater Arts or BPEA. Marami ang pinag-daanan ng manunulat sa larangan ng Teatro na nagbunga ng dirediretso niyang puso para sa sining. Nagkaroon siya ng paghasa ng boses sa pamamagitan ng voice coach. Ang kaniyang pagsasanay ay nagsimula sa Classical na pagkanta at ngayon ay hinahasa ang pagkanta sa disiplina ng teatro. Isa sa mga ispirasyon niya ay ang mga gawa ni Andrew Lloyd Webber at Stephen Sondheim na magaling na manunulat ng kanta. Siya ay naging tagaganap sa Cavite-based theater na nangangalang Stagedreams inc. kung saan naranasan niya ring maging pangalawa o katulong ng director sa iilang palabas. Noong panahon ng kaniyang pagpasok sa senior high school ay Sining ng pagganap rin ang strand na kaniyang kinuha buhat ng pagka gulo ng papasukan ngunit dito nagsimulang magbunga ang pagmamahal niya sa teatro. Iilan sa mga palabas na siya ay gumanap ay ang mga storya na “Olivia!” at “Ang Paglilitis ni Mang Serapio”. Naranasan niya ring magturo ng mga bata tungkol sa teatro sa storyang “Olivia” na pinalabas noong 2019. Di kalaunan pinalad rin siyang mag gig sa mga mall noong parehas na taon. Gumanap siya bilang “Snow White” sa storying “A Fairytale as Old as Time” na dinirek ni Dwight Angelo Vito Cruz. Dito niya napagdaanan ang disiplina ng method acting kung saan dinikit talaga niya ang karakter sa buhay at pinanindigan magdamag sa iilang araw na siya ay nasa mall. Sa ilang mga taon na ito ay naranasan rin ni Judielle na magsulat ng iskrip ngunit hindi pa nakita ng tadhanang maging panahon upang paipalabas. Sa panahon ng kaniyang sekonsdaryang edukasyon ay dumaan siya sa pagiging aktres ng indie film kung saan napanalunan niya ang Best Actress sa buong batch ng taon nila.

​

Mula bata ay hindi matatago na palaging may kinalaman si Judielle sa larangan ng pag tanghal. Mula elementarya palang ay kasama na siya sa pag-awit sa choir at duets sa competition ng eskwelahan. Sa simbahan ay kasama rin siya sa mga sumasayaw sa bawat selebrasyon na nagaganap. Kahit na ganoon ay lumaki siya sa isang bahay na walang buhay. Palipat-lipat buhat ng pagbabagong pinipilit ng tadhana. Siya ay bunso sa tatlong magkakapatid na nuebe at sampung taon ang agwat sakaniya. Ilang taon lamang bago siya pinanganak ay naghiwalay ang kanilang mga magulang. Mula ng kaniyang pagkabata ay sining na ang kaniyang kakampi at dahil dito nagkaroon ng bitbit na purong pagmamahal si Judielle para sa sining na hindi mapapantayan ng kung sino man. 

​

Naniniwala siya sa pagpapalabas ng mga storya na tunay na magiging repleksyon ng katotohanan ng buhay. Hindi lamang sa magagandang bagay ngunit pati ang mga mapapait. Kapalit nito ay sari-saring paghahanap ng storya na lubos pang mapapatunayan ito. Sinusubukan niyang maranasan ang lahat ng kailangang maranasap upang maintindihan ang iba’t ibang perspektibo ng tao sa buhay. Sa lahat ng ito namulat ang katotohanang maliit lamang ang linya sa pagitan ng tama at mali.

MONOLOGUE

Contact

I'm always looking for new and exciting opportunities. Let's connect.

0995 001 6907

  • Instagram

Follow me:

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page