top of page
Dela Torre.JPG

Kapit-Apartment 2

ni Rickson Dela Torre

Ito ay kwento ng isang binatang probinsyanong si Bugoy na nagtrabaho sa Maynila at inabutan ng pandemya . Pinamagatan ang kwentong ito ng “Kapit-Apartment 2” sapagkat dito ipinapakita ang lokasyon at relasyon ng biktima na si Aling Choling na may-ari ng buong apartment at suspek na si Bugoy na kapitbahay lamang nito. Umikot ang kwento sa pagkakaroon ng galit ni Bugoy kay Aling Choling, hindi lamang sa pagpaparinig sa kanya dahil sa hindi pa nakakabayad ng utang, kundi na rin sa pakiki-alam nito sa kanyang buhay gaya na lamang ng pagsusumbong sa Pulis at tanod, lalo na ang pangchichismis nito na nagdadala daw siya ng prosti. Hindi nagtagal, ang nagngingitngit at nasusuklam na si Bugoy kay Aling Choling ay humantong sa pagpaplanong lumipat ng apartment at paghihiganti, na kapalpakan sapagkat sa halip na si Aling Choling, ang namatay ay ang pinakamahal niyang alagang asong si Primo.   

“Lahat ng krimen ay nahahantong sa Kaparusahan na hindi mo matatakasan.”

BIONOTE

Si Rickson Viaña Dela Torre, 20 taong gulang, isang vlogger, aktor sa entablado at pelikula, koryograper, studyante na kasalukuyang tinatapos ang kursong Bachelor of Performing Arts Major in Theater Arts sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Sa katunayan, simula elementarya hangang sa kasalukuyan ay nakatanggap siya ng mga parangal dahil sa kanyang angking galing sa larangan ng akademiko. Bukod roon, marami na siyang nasalihang Film production na nakakuha ng matataas na mga parangal. Isa na rito ang maiksing pelikulang “BALABAL” na nasa ilalim ng LNSF Production na nakakuha ng ikatlong pwesto sa pangkahalatan, sa ginanap na Short Film Festival noong 2017. Gumanap siya bilang bakla sa isang maiksing pelikulang “MANTSA” na nasa ilalim din ng LNSF Production na nakakuha ng parangal na Best Film Editing, sa ginanap na Short Film Festival noong 2015. Dagdag rito, nakatanggap siya ng parangal na Best Supporting Actor bilang “BUBOY” sa pangkasaysayang drama o pelikulang “LA VENIDA DE TAKIPSILIM”, sa ginanap na Film Festival noong 2020, sa Unibersidad ng Arellano-Jose Rizal Campus. Isa sa pinakanagustuhan niyang karakter ay ang pagganap bilang batang nanggaling sa hirap na nagngangalang “BUBOY” sapagkat hindi na siya nahirapang katawanin ang nasabing karakter sa kadahilanan na naranasan na din niya ito sa totoong buhay. Bukod roon, madali din niyang naisakatuparan ang pagganap bilang bakla sapagkat magkaugnay ang kasarian niya sa nasabing pagganap at nasiyahan siya dito. Bilang karagdagan, naging bahagi siya sa isang Variety Show na may temang Fish Forever na naglalayong pakaingatan ang karagatan, na ginanap sa Plaza ng Looc Occidental Mindoro, noong 2015. Bago pa man sila ay nagtanghal, sumailim muna sila kada-lingong pagsasanay. Sa positibong panig, malaki ang nai-ambag  ng mga ito sa kanyang paglago at pagbuo ng kaniyang sarili bilang panimulang aktor o tagapalabas. 

 

Dahil sa kaniyang kagustuhang umarte ay pinagpatuloy niya ito hangang sa ngayon sa pamamagitan ng pagsali at pagu-audition sa mga naghahanap ng aktor para sa isang produksyon, na nakikita sa ibat-iba social media platforms. Sa kasalukuyang pag-aaral sa pangalawang taon sa kolehiyo, dito niya ipinagpapatuloy ang proseso ng pagiging isang mahusay na aktor at tagapangasiwa ng isang dula. Pinag-aaralan niya ang asignaturang Acting 1, na isinasagawa ang sa pagdalo sa sanayan o workshop kung saan hihulma at sinasanay ang isang mag-aaral upang maging isang bihasang aktor; sa kung paano dapat gumalaw ang isang aktor, kung gaano kadiin o kataas ang boses kapag nagpapahayag ng mga salita o mga linya ng gumaganap, kung paano katawanin ang ibang karakter at iba pa. Bukod rito, pinag-aaralan din niya kung paano maisakatuparan ang maging isang dalubhasang tagapangasiwa pati na rin ang pagiging isang dramaturhiya; kung paano sumulat, bumuo at baguhin ang isang konteksto or scripts, pag-aanalisa at pagsasaliksik sa bawat detalye ng isang dulang natanghal na at iba pa. Sa kabilang banda, siya ay madaming natutuhang kaalaman na kung saan hindi lamang pag-arte ang pinagpokusan pati na rin kung paano maisasagawa ng maayos, paano bumuo at pamahalaan ang nilalaman ng isang dula, maisa-papel man ito o tanghalan. Naniniwala siya sa isang kasabihang “Pag gusto may paraan, kapag ayaw may maraming dahilan”, na ginawa niyang inspirasyon upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay. 

MONOLOGUE

Screenshot (87).png

Contact

I'm always looking for new and exciting opportunities. Let's connect.

0912 446 8495

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page