top of page
CENTENO.JPG

Nasan siya

ni Jaja Centeno

Ang "Nasan Siya" ay isang monologong isinulat ni Jaja na hango sa "Ti Mama" ng 100 Kislap ni Abdon Balde Jr. And dulang ito ay napapatungkol sa isang maganak na maagang nawalan ng ilaw ng tahanan at mula noo'y kumakapa na lamang sa dilim. Naging masalimuot ang buhay ng magkapatid na Angela at Angeline o "Geline" nang iwan sila ng ama sa Tia Alba nila sa Tondo. Nakaranas ng kaharasan at pagmamalupit mula sa tia. Matapos ang tatlong taon ay nalaman nilang gumagamit na ng ilegal na droga ang ama at dito na nagsimula ang masmalaimpyerno pa nilang buhay.

​

"Gusto kitang patayin pero di ko gagawin yun...kaya ako na lang" - Angela

​

BIONOTE

Si Jaja Centeno ay ang 20 taong gulang na manunulat ng mga dula, maiikling kwento, nobela, at mga kanta. Nagtapos siya sa sekondarya nang mayroong karangalan at kasalukuyang nag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, sa Sta. Mesa, Manila, sa kursong Batsilyer ng Sining Pagtatanghal. 

​

Bata pa lang ay nakahiligan na ni Jaja ang sumulat ng mga tula at maikling kwento. Mula elementarya hanggang sa kasalukuyan, madalas siya ang nagsusulat ng mga maikling dula o skit. At pagtungtong niya ng hayskul, na-expose naman siya sa pagsusulat ng mga kanta. Noong 2018, siya ang sumulat ng moving-up song ng batch nila na pinamagatan niyang “Ang Pamilya”, at noong 2019 naman ay isinulat niya muli ang kantang ito at pinamagatan niya nang “Baybayin”. Sumali siya sa patimpalak na pinamagatang “S.Y. 19-20 Original Graduation Song Competition” na ginanap noong taong rin na iyon at nasungkit niya ang ikalawang parangal. Taong 2018 rin, sa buwan ng Setyembre, nasungkit ng pangkat ni Jaja ang ikalawang parangal sa orihinal na awit na isinulat ni Andrei See at nilapatan naman niya ng tono. Isa rin si Jaja sa nag-choreograph ng kanilang pagtatanghal. Ang palatuntunang ito ay pinamagatang Singkafil kung saan lahat ng pangkat sa baitang 11 ay kailangang sumulat ng kanta patungkol sa tema ng buwan ng wikang “Filipino: Wika ng Saliksik. Taong 2019 naman, sumali si Jaja sa isang patimpalak kung saan nasungkit niya ang Best Lyrical Composition Award para sa orihinal na likha niyang pinamagatang “Paulit-ulit”. Sa parehong taon rin itinanghal ang “Sanina” sa direksyon ni Angelica Panco, kung saan si Jaja ang sumulat ng dula at gumanap rin siya bilang batang Sanina. Taong 2021 naman, tinagurian siyang Music Director, Singer, Songwriter, at Composer ng dulang SAPANTAHA, na isinulat ni Patrick Servo sa direksyon ni Erika Garcia, sa ilalim ng Tanghalang Molave. Taong 2021 rin nang igawad sa kanya ang “Pinakamahusay na Orihinal na Awit” at “Pinakamahusay na Indibidwal na Musikal” sa Sibol Sining 2021. Sa taong ring ito ay siya ang isa sa sumulat ng PattaRADYO Mnemosa: Justice-on-air sa direksyon ni Erika Garcia sa ilalim ng Pattaraday Mnemosa Productions. At ngayong 2022 naman, siya ang nagsulat at nag-direk ng dulang “Valentine’s Day” bilang entry sa `Art Month Event ng Tanghalang Molave ngayong Pebrero. 

​

Bagamat marami nang naisulat na dula, maikling kwento, tula, at mga kanta si Jaja, pursigido pa rin siyang gumawa pa para masmahasa ang kakayahan at talento niya sa sining. Pursigido rin siya para sa pagabot ng kanyang pangarap na maging isang kilalang manunulat di lang sa mundo ng teatro kundi pati na rin sa Mass Media. 

MONOLOGUE

Screenshot (86).png

Contact

I'm always looking for new and exciting opportunities. Let's connect.

0998 534 1120

Check my website: 

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page