
Paghihiganti
ni Fatima Nura Allones
Si Jane Perez ang pangunahing tauhan sa monologue na pinamagatang “Paghihiganti”. Kasalukuyang may pinagtataguan si Jane at nakatira isang maliit na bahay at malayo sa siyudad ng Maynila. Iikot ang kuwento sa kaniyang paghihiganti sa Mayor ng kanilang siyudad dahil ito ang pumatay sa pamilya niya at pinalabas ng Mayor na aksidente lamang ito. Sa tulong ng isang traydor na katiwala ng Mayor, nagawa niyang lasunin ito. Matapos niyang tawagan ang katiwala ay tumawag si Mayor kay Jane upang pagbantaan na papatayin siya nito. Masisiwalat sa dulo na kadugo ni Jane mismo ang Mayor at maririnig ang pagkalabog sa pintuan ng bahay na hudyat na nahanap siya ng mga tao ni Mayor.
​
"Sinisigurado kong hindi matatapos ang parusa mo kahit pa sa kamatayan." Jane Perez
ACTOR'S BIONOTE
​
Si Fatima Nura Allones, dalawampung taong gulang, ay nakapagtapos ng sekondaryang edukasyon at nagkamit ng mataas na karangalan sa taong 2021. Siya ay estudyanteng nag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sta. Mesa, Manila at kasalukuyang tinatapos ang kursong Batsilyer ng Sining Pagtatanghal. Interesado siya sa larangan ng pagguhit, pagsayaw at sa disenyong pamproduksyon ng pagtatanghal. Taong 2014, noong siya ay nagtapos ng elementarya, iginawad ang parangal sa kaniya bilang pinakamahusay sa larangan ng sining. Noong taon din na iyon ay nahubog ang kanyang talento sa sining at pagsayaw kung saan nagsimula siyang mamulat sa mundo ng pagtatanghal. Naging miyembro si Fatima ng Art Club simula noong unang taon niya sa sekondaryang paaralan. Aktibo siya tuwing may patimpalak sa paggawa ng poster kung saan nagkamit siya ng mga parangal. Noong baitang siyam, nanalo siya sa patimpalak ng paggawa ng poster noong Buwan ng Nutrisyon at nagkamit ng unang puwesto. Sa mga sumunod na taon hanggang sa kanyang pagtatapos ng sekondarya ay naging miyembro na siya ng Dance Club. Si Fatima ay nagtatanghal ng doksolohiya, tradisyunal at modernong sayaw tuwing may pagdiriwang sa loob ng paaralan. Isang karangalan para sa kanya nang ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ang kaniyang pagsayaw kasama ang ilang kaeskuwela sa pagtatanghal ng Papuri Dance ng Simbang Gabi sa St. John Mary Vianney Parish, taong 2017. Iginawad din sa kaniya noong ika-dalawampung apat ng Marso, taong 2018, ang Performing Arts Award bilang pagkilala sa kanyang natatanging talento sa pagtatanghal bilang mananayaw.
Sa kabila ng pagtatapos niya sa sekondaryang edukasyon na may academic strand na STEM, mas pinili niyang tahakin ang sining pagtatanghal kaysa mga teknikal na kurso. Noong taong 2021, naging parte siya sa disenyong pamproduksyon bilang Set Designer sa dulang pinamagatang SAPANTAHA sa direksyon ni Erika Garcia at isinulat ni Patrick Servo. Sa kasalukuyan, nagpupursiging siyang mag-aral upang mapalawak pa ang kaalaman at kasanayan sa sining pagtatanghal.
MONOLOGUE
Contact
I'm always looking for new and exciting opportunities. Let's connect.
0905 227 5631