
Paglisan
ni Princess Mitra
Ang kuwentong ito ay tungkol kay Anna, isang waitress na dinepensahan ang kanyang sarili. Hinahabol, nag tatago sa mga taong gustong kitilan siya ng buhay.
​
"Pagod na akong maging duwag, pagod na akong mag tago, pagod na din akong tumakbo ng tumakbo." - Anna
BIONOTE
Si Princess Ruth Anne G. Mitra, labing siyam na taong gulang at kasalukuyang tinatapos ang kursong Bachelor of Performing Arts sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay nag sisimula pa lamang na hanapin ang kanyang daan sa pag tatanghal. Simula bata ay hilig na niya ang pag kanta, sumali sa mga paligsahan sa pag kanta noong nasa elementarya sa kanilang paaralan. Sumasali din sa mga group choir noon sa simbahan sa kanilang lugar. Nang tumungtong sa High School ay nakapanood si Princess ng isang Musical performance na parte ng kanilang proyekto noon sa paaralan, simula noon ay pumasok na sa kanyang isipan ang pag tatanghal.
Ngayong nasa pangalawang taon sa Unibersidad, ay sinusubukan nito uling hanapin ang kanyang tinig sa pag kanta at pag tatanghal.Sinubukan niyang sumali at humanap ng karanasan sa likod ng pag tatanghal. May mga nasalihang mga production noon sa kanilang klase, unang taon nito sa Unibersidad ay mayroong dalawang produksiyon itong nasalihan. “Marahuyo Production” sa kanilang adaptasyon ng dulang “Walang Sugat” na isinulat ni Severino Reyes, isa si Princess sa mga Music Supervisor at “Sapantaha” bilang Ward Robe Supervisor at Hair and Make up stylist. Sa kanyang pangalawang taon sa unibersidad ay sumali din siya sa Halloween Special episode ng kanyang klase na may pamagat na “Justice on Air” siya ay isa sa mga Sound designers ng nasabing special episode. Sa ngayon ay nais pa ni Princess na palawigin pa ang kanyang kaalaman sa likod at harap ng teatro.
MONOLOGUE
Contact
I'm always looking for new and exciting opportunities. Let's connect.
0966 864 7986