top of page
Vergara.jpg

Shooter

ni Rico Vergara

Pagkatapos ng ginawang krimen at pagkakamatay ng malapit niyang kaibigan na si Joseph, si Adam ay kusang sumuko sa pulis at ikinuwento dito ang buong detalye ng pangyayare.

​

"Hindi ko naman gusto yun... Nautasan lang... Sumusunod lang ako!" - Adam Labao

BIONOTE

Si Ricardo Carlos ay 19 taong gulang, kasalukuyang nag-aral sa Politeknikong Unibersidad ng  Pilipinas sa kanyang ikalawang taon sa kursong Bachelor of Performing Arts Major in Theater  Arts. Siya ay isang Aktor, Manunulat, Mananayaw, at Koryograper.  

Siya ay sa nasa ika-sampung baitang ng hayskul nang siya ay unang nakapag-direk ng isang  maikling pelikula. Kahit palaging kinakabahan palagi rin itong sumasali sa isang maikling skit o  pagtatanghal tuwing gawaing kolaborasyon sa isang asignatura. Siya ay hindi pa sigurado sa  gustong marating noong senior high school ngunit nang makapasa naman sa prestihiyosong  paaralan ng PUP pinili pa rin nito ang kursong pang-teatro. Dito niya napagtanto at nalaman ang  kagandahan at historya ng pagtatanghal. Sa tulong nga ni Sir. Erwin Gaspar na kanyang naging  guro sa Body, Voice, and Movement noong siya ay nasa unang baitang, maraming itong  natutunan at napadaan na mga pagsasanay na nakatulong sa mga proyektong nitong  pagtatanghal. Siya rin ay nasa unang baitang nang unang makapag voice-over at makasulat ng  liriko ng isang kanta. Nang siya na ngayon ay kasalukuyang at sa tulong din ni Sir Joseph Victor  Deseo marami pa siyang natutunang iba pang pagsasanay at kaalaman tungkol sa pagtatanghal, tulad na lamang ng mg Scene Studies. Dito niya din napalalim ang kanyang kaalaman sa pelikula  at teatro. Kamakailan lang siya ay nakapagsulat ng isang maikling kwento patungkol sa  mentalidad na kalusugan.  

Bata pa lang alam na niya na hilig niya ang pag-sasayaw, Siya ay sumasali tuwing may ganap na  proyekto o pagtatanghal sa kanilang paaralan noong siya ay nasa junior at senior high school.  Siya ay sumasayaw at kaya rin magtuturo nito. Hilig din nito pananood ng mga video sa Youtube  upang matuto ng mga bagong sayaw at mahasa ito. At siya ay patuloy rin na nag-aaral at  sinusubok ang kanyang mga kakayahan, mga kaya niya pang gawin upang mas lalong lumago pa  ang kanyang sarili. Hiling niya na makapagtanghal at makapagturo ng sayaw sa hinaharap.  Hangad din nito makatuklas pa ng iba pang bagay na kaya niya pang kayang gawin at  makapagtrabaho pa sa mga produksiyon at pagtatanghal sa hinaharap. 

MONOLOGUE

Screenshot (89).png

Contact

I'm always looking for new and exciting opportunities. Let's connect.

0970 195 7422

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page