top of page
Tan.png

Sir

ni Jeffrey Tan

Ang akdang "Sir" ay pinagbibidahan ni Jeremy Chua na isang adik, party goer, at lasingero. Isa itong maigsing palabas/monologue na adaptasyon ng Whitelady mula sa 100 Kislap ni Abdon Balde. Tinatalakay dito ang karaniwang buhay ng isang taong lulong sa druga. Makikita rito kung paano ba nasira ng pagaadik ang buhay ng isang tao.

​

"Nakainom lang po talaga ako, pero di ako nagdrudrugs sir" - Jeremy Chua

​

BIONOTE

Si Jeffrey B. Tan, ay isang magaaral sa kursong Bachelor of Performing Arts sa paaralan ng Polytechnic University of the Philippines. Sa murang edad palang nakakitaan na ito ng potensyal na maging artista ng bayan.  Siya ay maagang nahilig sa larangan ng pagarte, pagguhit, pagsayaw, pagkanta at iba pa. Sa pagarte, wala siyang pinipiling karakter, ngunit interesado siyang maranasan ang maging kontrabida. Pagdating sa pagguhit, hindi mapagkakaila ang kanyang talento dito dahil isa siya sa mga gumagawa ng mga background ng kanilang mga ginagawang dula. Nakahiligan na niyang gumuhit simula pa lamang noong siya ay nasa edad 5 pataas. Bagama't walang naging pormal na pagaaral sa larangan ng pagawit o musika, hindi niya ito inayawan at patuloy na minahal ang musika at pagawit ng lubusan. Ang kanyang talento sa pagsayaw o hilig sa sayaw ang siyang nagbibigay enerhiya at saya sa kanya, kaya kahit hirap sa ilang mga galaw, pilit niya itong pinagaaralan. 

 

Nais ni Jeffrey palawakin ang kaalaman sa pagarte, pagdirek, pagsulat, dramaturhiya, at iba pa. Ang panonood ng mga pelikula ang siyang nagbigay inspirasyon sakanya upang umarte. Ang pagdidirek naman ang isa sa mga inaaral at pinalalago niya. Sa ngayon interesado siya sa pagsusulat, pagdidirek at dramaturhiya. Nais niyang maging mahusay sa mga aspetong ito dahil para sakanya nasisiyahan siyang gawin ang posisyon na ito. Nahasa ang kanyang pagiisip at kakayahan sa larangan ng teatro dahil sa pagtatanghal nito sa maraming dula sa labas o loob man ng paaralan. Isa siya sa mga naging miyembro ng Bagong Kabataang Alagad ng Sining o mas kilala bilang BAKAS, na isang community theater organization. Kasama ng iba pang miyembro ng BAKAS, nakapagtanghal sila ng isang ‘Dalawang Oras ng Makabayang Dula, Tula, Awit at Sayaw’ sa deriksyon ni Bernardo “Kadyo” Villalon. Ang palabas na to ang isa sa mga nagbigay inspirasyon sa kanya sa pagarte upang ipagpatuloy ang kanyang pasyon sa kolehiyo.

MONOLOGUE

Contact

I'm always looking for new and exciting opportunities. Let's connect.

0935 619 4586

Follow Me:

  • Instagram

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page