top of page
Taban-ud.jpg

Target

ni Agustin Taban-Ud

Ang kwento ng huling misyon ng isang hitman.

​

"Nasa kontrol ko ang sitwasyon, maling galaw lang ng babaeng ‘to, bang."- Mike Torres

BIONOTE

Si Agustin Jose Taban-ud (19 na taong gulang) ay isang manananghal na, sa kasalukuyan, ay nag-aaral ng Sining Pagtatanghal sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Namulat si Agustin sa kaniyang pagmamahal sa pagtatanghal nang siya ay nakasali sa koro ng kaniyang mataas na paaralan kung saan siya ay nagsilbing lider nang mahigit isang taon-akademiko. Nakatulong rin ang pagkaroon niya ng interes sa mga musikal at makabagong dulang pantanghalan sa paghubog ng kaniyang kagustuhan magtanghal. Maalam si Agustin sa mga paraan ng pagpapahiwatig at pagbibigay mensahe sa paraan ng pagtatanghal at pelikula. Siya rin ay marunong magsulat at, sa kasalukuyan, ay interesado sa pagsusulat ng mga istoryang nakapokus sa pilosopikal na paghuhubog at pag pagpapakilala sa katauhan na kaniyang binibigyan-buhay sa pagsusulat. Nagsisilbi siya ngayon bilang trainee sa loob ng Repertory Philippines.

 

Sa kasalukuyan ay nag-aaral si Agustin ng mga bagong tematiko ng pagsusulat at ang pagtatransisyon at paghahabi ng musikal at intelektuwal na diskurso sa loob ng tanghalan. Kasabay nito ay ang kaniyang patuloy na pagpapalawak ng kaniyang mga kayang kantahin at ang dinamiko ng pagkanta na maari niyang maisautak sa pagsusulat. Hinuhubog rin ni Agustin ang kaniyang imahinasyon para sa mga pagkakataon na kailangan niyang lumabas sa payong ng pilosopiya at magsulat sa ibang tema. Nabigyan din siya ng pagkakataon ng Repertory Philippines bilang trainee sa workshop production at marketing. Doon binabalak ni Agustin na isabay ang kaniyang natitirang 2 taon sa kolehiyo at pagkatapos ay magtransisyon sa direktoryal na posisyon.

 

Hindi mahuhuli. Pinaniniwalaan ni Agustin na sa industriya at sa kabuuang mundo na kaniyang kinagagalawan ay malaking panghihinayang ang mahuli, kaya ginagawa niya ang lahat upang patuloy na mahubog at mahasa ang kaniyang mga kakayahan. Patuloy siyang nag-aaral, nagbabasa, nanonood, nakikinig, at nananaliksik upang maging parte ng kaniyang araw-araw ang pagkatuto at edukasyon. Para hindi siya mahuli sa mundo ng pagbabago.

MONOLOGUE

Contact

I'm always looking for new and exciting opportunities. Let's connect.

0945 822 3624

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page