top of page
Screenshot (91).png

Istraktura ng Katarungan

100 KISLAP
Abdon M. Balde Jr.

​May tatlong lalaki na nag-inuman, nag-away ang dalawa, umawat ang isa. Nagbunot ng baril ang isa at pagkalabit ng gatilyo, naitaas ng umaawat ang baril. Di kalayuan sa mga nag-aaway, may lalaking naglalakad sa gilid ng ika-limang palapag ng ginagawang gusali ang tinamaan sa ulo ng ligaw nab ala at nalaglag. Isang pahenante ng trak sa ibaba ng gusali ang nagkaisip umihi. Iniwan niyang nakatihaya ang pala sa ibabaw ng dinidiskargang garden soil at natusok ng nakatihayang pala. Ayon sa pagsisiyasat, maaaring hindi ikamatay ang daplis na tama ng bala sa ulo. Maaari ring nabuhay ang lalaki kung sa garden soil bumagsak at hindi natusok ng pala. Naging kumplikado ang kaso nang makuha sa bulsa ng nasawing lalaki ang sulat: Maria, di mo na ko mahal, ayoko nang mabuhay. Si Maria ay asawa ng lalaking nagpaputok ng baril.

274474532_488915176164566_7929306190359809713_n.jpg

Istraktura ng Katotohanan

Isang babaeng nahanap ang kaniyang sarili sa gitna ng gulong nagsimula sa kaniyang pagkakamali

​

"Magagawa mo rin ba sakin yun? Nakita ko sa drawer yung baril na tinatago mo." - Meliah

Adaptation Process

Part A: Development of Performance Text 

Walang sinabi ngunit ang  posibilidad na oras ay hapon  hanggang gabi dahil sa ganitong  oras kadalasan nagtatrabaho anfg  mga pahenante ng trak at nag  iinuman ang mga tao. 

“May tatlong lalaki na nag inuman…” 

“Isang pahenante ng trak sa ibaba  ng gusali ang nagkaisip umihi…”

Ang oras ng ginawa kong piece at  nasa hapon kinabukasan nung  matapos mangyari ang trahedya.  The following implying that it has  already happened: 

“Nakausap ko si cap kanina kaya  naisipan ko nang mag halungkat.” 

“Ang dami pala naming napag  usapan ni cap. May naging kaso  raw sa kabilang road na pinag  chichismisan ng kapitbahay…”  

“…Nagtanong-tanong na ako sa  kung anong nangyari.”

Place

Posibleng sa isang rural area ito  naganap dahil dito mayroong mga  taong nag iinuman, posibilidad na  makahanap ng garden soil na  inililipat at building na may  rooftop. Hindi posibleng maging  sa isang urban area kagaya ng  squatter dahil sa sikip nito. Unang rason nito ay hindi magkakasya  ang nasasabing trak, pangalawa ay  sa panlimang palapag sinasabi na natamaan yung lalaki ng bala ayon  sa konteksto ng storya. Hindi rin  aayon sa storya kung ito ay sa  isang lugar na mabuilding dahil kapag nagkaroon ng ligaw nab ala  at matataas ang building, maaring  property damage naman ang  mangyari, hindi tao ang  matatamaan.

Ginawa kong nasa isang village ngunit urbanized parin para  magkaroon ng matataas na building ngunit hindi pinupuno  

nito. Sa konteksto ay isang  building malapit sa kabilang road  na kanilang tinitirhan, posibleng  ito ay commercial building sa loob  ng isang road sa isang village o  subdivision. 

“May naging kaso raw sa kabilang  road na pinag chichismisan ng  kapitbahay…” 

“…nagtatanong sila tungkol sa  lalaking nahulog sa building…”

Character

Maraming mga karakter sa  storying ito na nagkaroon ng  paraan upang umusad ang storya,  ito ang Tatlong lalaking nag 

iinuman, lalaking naglalakad sa building, pahenante at ang  babaeng si Maria

Binigyan ko ng pokus ay isang  karakter lamang kung saan siya  ang nag kumpleto sa buong sunos sunod na pangyayari. Ito ang  babaeng asawa ng pumutok ng  baril at laman ng letter na hawak  nung namatay sa orihinal. Sa  orihinal. ang pangalan niya ay  Maria, at binago ko at ginawang  Meliah.

Time

© 2022 Lantaw Productions.

Krimen at Kaparusahan

bottom of page