.png)
Ti Mama
100 KISLAP
Abdon M. Balde Jr.
“Boyet, di laruan ‘yan. Akina ‘yan,” nagitla si Jesse. Binulaga siya ng bunsong tatlong taong gulang, nakatayo sa itaas ng hagdan, unat ang dalawang kamay, hawak ang baril, nakaumang sa kanya. Sa likod ng bata’y nakaawang ang pinto ng kwarto. Iniwan niya ang baril sa tokador upang kumuha ng pamunas at alkohol. “Tatamaan ka sa ‘kin pag di mo binitiwan ‘yan. Tangina…” Tumingin sa bukas na pinto, kunwari’y, “Maryanne…” “Ti Mama…” sabi ni Boyet, umiling-iling, nagsimulang umiyak. Sumuot sa gatilyo ang dalawang daliri. Inunat ni Jesse ang kanang kamay na may hawak na basahan. “Bigay mo sa ‘kin ‘yan. Ilpag mo dito. Tangina…” “Ti Mama…” sabi uli ni Boyet, umiling-iling. Binago ni Jesse ang tono ng boses, “Tulog si Mama. Akina ‘yan anak. Tulog lang si Mama.” Bumilis ang pag-iling ng bata at tumulo na ang luha, suminok-sinok. “Ti Mama,” sbay kalabit ng gatilyo.

Nasan Siya
Ang "Nasan Siya" ay isang monologong isinulat ni Jaja na hango sa "Ti Mama" ng 100 Kislap ni Abdon Balde Jr. And dulang ito ay napapatungkol sa isang maganak na maagang nawalan ng ilaw ng tahanan at mula noo'y kumakapa na lamang sa dilim. Naging masalimuot ang buhay ng magkapatid na Angela at Angeline o "Geline" nang iwan sila ng ama sa Tia Alba nila sa Tondo. Nakaranas ng kaharasan at pagmamalupit mula sa tia. Matapos ang tatlong taon ay nalaman nilang gumagamit na ng ilegal na droga ang ama at dito na nagsimula ang masmalaimpyerno pa nilang buhay.
​
"Gusto kitang patayin pero di ko gagawin yun...kaya ako na lang" - Angela
Adaptation Process
Part A: Development of Performance Text
Time
​Walang partikular na oras ang ibinigay sa akda. Pero kung bibigyan ko man ng oras base sa mga nabasa ko, ang sa tingin kong oras ng mga pangyayari ay sa kalagitnaan ng hapon. Tipong papalubog na ang araw. May mga kasabihan na ang paglubog ng araw ay sumisimbolo sa katapusan. Dahil sa mga pangyayari sa Ti Mama, naaangkop ang “agaw-dilim” na oras sa mga tagpo dahil tatapusin na ni Boyet ang kung ano mang kademonyohan ng ama.
Ang oras na ipinahiwatig sa teksto ay isang gabi kung saan kauuwi lang ni Betong galing sa labas. Kaya gabi ang napili kong oras ng mga tagpo, dahil tulad ng gabi, madilim rin ang nilalaman ng kwento ni Angela pati ng kanyang nakababatang kapatid at ama
Place
Ang tagpo ay naganap sa poder ng pamilya ni Jesse. May dalawa o higit pang palapag ang bahay at sa loob nito, sa may hagdanan, naganap ang mga pagtatagpo.
Ang tagpo ay naganap sa poder ni Betong sa Caloocan. Ita itong bungalow type ng bahay. Sa hallway papunta sa mga kwarto, naganap ang mga eksena. Madilim at tanging ang ilaw lang sa labas ang pinagmumulan ng ilaw rito
Character
Jesse - Ang ama ni Boyet at kinakasama naman ni Maryanne. Mainitin ang ulo at mainipin. Boyet - Ang tatlong taong anak ni Jesse at Maryanne. Maliit ang boses pero malakas ang loob. Mahal na mahal niya ang ina at handang gawin kahit pa saktan ang sariling ama para minamahal niyang Mama. Maryanne - Ang biktima. Ina ni Boyet na pinaslang ng sariling asawa si Jesse.
Betong - Ang ama ni Angela at Geline. Isang dating pulis na nasisante dahil sa pag-aadik. Maagang na biyudo. Angela - Panganay na anak ni Betong. Dalawampung taong gulang. Mayroong sakit sa pag-iisip, schizophrenia. Lumaki sa Tondo. Labis ang pagmamahal para sa kapatid niyang si Geline. Geline - Ang bunsong anak ni Betong at nakababatang kapatid ni Angela. Pinatay ng ama matapos itong gahasain. Isang aparisyon sa kwento.