.png)
Kapit Apartment
100 KISLAP
Abdon M. Balde Jr.
Nagngingitngit, nasusuklam siya sa
matandang nasa katabing unit, na may-ari rin ng buong apartment. Nang ginabi ang inuman nila ng barkada, isinumbong siya sa pulis. Nang makaalpas sa tali si Pitbull niya, tumawag ng Baranggay Tanod. Nang dumalaw ang ate niya, nagkalat ng tsismis na nagso-short-time siya ng prosti.
Sobra na. Panahon ng lumipat. O gumanti.
Ginabi siya pag-bakwet. Si Pitbull, isang backpack, mga lumang dyaryo na lang ang natira sa unit.
Nag-brown out.
Nagpalipas-oras siya sa videokehan sa labas. Kandila lang ang ilaw. Limang Red horse, lasing na siya. Brown out pa rin.
Pagkakataon.
Umakyat siya sa bakod sa likuran. Lumagpak sa munting patio ng inakalang unit ng may ari. Sinindihan ang nahagilap na trapo, ipinasok sa awang ng bintana, ibinato sa loob. Nang may nagliyab sa loob saka tumalon sa kabilang patio, sa inaakalang sariling unit.
Saka niya narinig ang tahol ni Pitbull sa loob ng nasusunog na unit.

Kapit Apartment 2
Ito ay kwento ng isang binatang probinsyanong si Bugoy na nagtrabaho sa Maynila at inabutan ng pandemya . Pinamagatan ang kwentong ito ng “Kapit-Apartment 2” sapagkat dito ipinapakita ang lokasyon at relasyon ng biktima na si Aling Choling na may-ari ng buong apartment at suspek na si Bugoy na kapitbahay lamang nito. Umikot ang kwento sa pagkakaroon ng galit ni Bugoy kay Aling Choling, hindi lamang sa pagpaparinig sa kanya dahil sa hindi pa nakakabayad ng utang, kundi na rin sa pakiki-alam nito sa kanyang buhay gaya na lamang ng pagsusumbong sa Pulis at tanod, lalo na ang pangchichismis nito na nagdadala daw siya ng prosti. Hindi nagtagal, ang nagngingitngit at nasusuklam na si Bugoy kay Aling Choling ay humantong sa pagpaplanong lumipat ng apartment at paghihiganti, na kapalpakan sapagkat sa halip na si Aling Choling, ang namatay ay ang pinakamahal niyang alagang asong si Primo.
“Lahat ng krimen ay nahahantong sa Kaparusahan na hindi mo matatakasan.”
Adaptation Process
Part A: Development of Performance Text
Time
Gabi at Dapithapon
• Ginabi siya sa pag bakwet, upang
lumipat
2020, Takipsilim ng Mayo • Panahon kung kailan pumutok o
lumaganap ang sakit
na Covid-19.
Nagsisimula na ang
Pandemya
Place
Sa Videokehan sa labas, malapit sa kaniyang unit na katabi lamang sa unit ng mismong matanda na may
ari ng buong apartment
Sa tabi ng isang sirang pinto ng apartment ni Bugoy, na pamamay-ari ni Aling Choling, Manila. Magkatabi lamang ang apartment ni Bugoy, at ni Aling Choling.
Character
Siya ay lalaki na nakipag inuman sa kabarkada at napagkamalan na nanagshoshort-time ng prosti. Napuno ng galit at humantong sa paghihiganti
21 anyos na binata, Filipino, kayumangi, katamtamang tangkad, nakasuot ng brown na jacket at nakasandong puti, nakatokong na short at pamurmang tsinelas. May nakasabit na usong-uso na pekeng diyamanteng hikaw sa tainga, at kwintas sa leeg. May pamada sa buhok. Ayos na ayos ang itsura kahit wala namang pupuntahan.