.png)
Shooter
100 KISLAP
Abdon M. Balde Jr.
Hinintay niyang makapasok sa bakuran ang Pajero. Sampong hakbang ang layo niya sa bakod na pader na may barbed wire sa ibabaw. Sinulyapan niya ang Jalaking nakasakay sa motorsiklo, nasa lilim ng malagong akasya. Dalawang minuto ang pinalampas. Paghudyat niya'y umatungal ang makina ng motorsiklo. Kumaripas siya ng takbo patungo sa bakod, tumadyak sa umbok na lupa, tumalon, inumang ang Kalibre .45 sa ibabaw ng bakod, ipinutok. Pagbagsak sa lupa'y mabilis umangkas sa nakatapat na motorsiklo. Maririnig ang sigawan ng mga tao sa loob ng bakuran. Pumasok sila sa masikip na pasilyo, huminto ang motorsiklo. Bumababa ang may sukbit ng .45 nang barilin siya ng driver ng motorsiklo. Lumabas ang motor sa pasilyo at tinungo ang low-bed trailer na nakaabang sa bakanteng lote. Pagpasok ng may motor sa trailer ay sinalubong siya ng putok ng shotgun mula sa loob. Sinundan ito ng isa pang mahinang putok.
Adaptation Process
Part A: Development of Performance Text
Time
There’s no exact or given time in the context of when the whole event occurred. However, there is a given time of when the action will occur, there is a signal before the specific action. “Dalawang minuto ang pinalampas. Paghudyat niya’y umatungal ang makina ng motor.”
Bago palang sila pumunta sa lugar dahil sa naiutos na krimen, nakaplano na ang gagawing krimen ng isang araw bago ito gawin. Umaga palang ay naka abang na sa tapat ng bahay ng punteryang mayor. Naka-abang na ang dalawa magkaibigan sa punterya nila, alas 6 palang ng umaga. At nang nangyari ang pananambang at pagpaslang sa mayor ng alas 4 ng hapon.
Place
“Kumaripas siya ng takbo patungo sa bakod” “Pumasok sila sa masikip na pasilyo” “Lumabas ang motor sa pasilyo at tinungo ang low-bed trailer”
Naganap ang krimen at pag paslang sa Mayor sa tapat mismo ng bahay nito, sa bayan ng Malolos Bulacan. Inabangan at tinambangan ito pagkalabas na pagkabalas ng sinasakyan nito na Pajero sa bakod at tarangkahan ng kanilang bahay. Si Adam ay naka abang sa may malagong puno ng akasya katabi ng bahay na katapat ng bahay ng punteryang mayor. Ang kaibigan naman niyang si Joseph ay naka-abang sa kanto malapit sa kung saan naka abang si Adam.
Character
Dalawang gunmen na may sukbit na Kalibre 45
Dalawang magkaibigan at magkababata, si Adam at Joseph. Sila ay magkasama sa paggawa ng krimen at magkatrabaho bilang mga bayaran na mamamatay o gunman. Sila ay may katagalan na rin sa gawaing ito. Pinili ang ganitong trabaho dahil sa malaking kita.