.png)
Hindi Namamatay ang Hustisya
100 KISLAP
Abdon M. Balde Jr.
Isinakay ko ang babaeng iika-ika sa tapat ng Megamall isang gabing umaambon. Ibinaba ko sa tapat ng isang bonggalo sa Boni, lampas ng Ortigas, tapat ng iskinita, Martirez… Martinez? Umikot ako sa tapat ng simbahan ng San Felipe. Tapos, carbarn na dahil masakit ang tiyan ko. Sa garahe nakita ko’ng pitakang Kinabukasan, Pasay-Paranaque ang ruta ko. Kaya dinala ko ang pitaka sa estasyon ng radyo. Nang buksan sa estasyon, ang pitaka’y sa lalaki at di sa babae! May voter’s ID. Sinamahan ako ng isang reporter para isoli ang pitaka sa babae. Laking gulat namin nang makitang sementeryo ang pinaghatiran ko sa babae. Tumuloy kami sa presinto ng pulis sa munisipyo ng Mandaluyong. Mula doon nasusog naming ang lalaki sa voter’s ID ay convicted sa panggahasa at pagpaslang sa isang hostess sa Henry’s na natagpuan sa bakanteng loteng pinagtayuan ng Megamall mahigit tatlumpong taon na ang nakaraan.

Hindi Namamatay Ang
Hustisya
Ang aking monologue ay tumutukoy kung gaano nga ba kabigat ang isang krimen. Ano nga ba ang parusa nito? Tumutukoy lang ba ito sa pagkakakulong? Pinapakita rin nito kung ano nga ba ang nangyayari sa isang kriminal pagkatapos nito makulong, nagkakaroon ba siya ng redempsyon o hindi?
​
“Nakalaya ka nga sa bilangguan, pero nakalaya ka nga ba talaga kung naka-kadena ka pa rin sa kasalanan na ginawa mo?” - Hector
Adaptation Process
Part A: Development of Performance Text
Time
Gabi at Dapithapon
• Ginabi siya sa pag bakwet, upang
lumipat
2020, Takipsilim ng Mayo • Panahon kung kailan pumutok o
lumaganap ang sakit
na Covid-19.
Nagsisimula na ang
Pandemya
Place
Sa Videokehan sa labas, malapit sa kaniyang unit na katabi lamang sa unit ng mismong matanda na may
ari ng buong apartment
Sa tabi ng isang sirang pinto ng apartment ni Bugoy, na pamamay-ari ni Aling Choling, Manila. Magkatabi lamang ang apartment ni Bugoy, at ni Aling Choling.
Character
Siya ay lalaki na nakipag inuman sa kabarkada at napagkamalan na nanagshoshort-time ng prosti. Napuno ng galit at humantong sa paghihiganti
21 anyos na binata, Filipino, kayumangi, katamtamang tangkad, nakasuot ng brown na jacket at nakasandong puti, nakatokong na short at pamurmang tsinelas. May nakasabit na usong-uso na pekeng diyamanteng hikaw sa tainga, at kwintas sa leeg. May pamada sa buhok. Ayos na ayos ang itsura kahit wala namang pupuntahan.